
Patuloy na umiinit ang laban sa Mister Pilipinas Worldwide pageant ngayong isang linggo na lang ang nalalabi bago ang finals night ng pageant. Kamakailan lamang ay ni-reveal ng organisasyon ang mga kandidato na nangunguna sa online voting para sa cover boy photoshoot ng kompetisyon.
Naglabas ng isang graphic ang Mister Pilipinas Worldwide organization sa kanilang opisyal na Instagram account na nagapakita ng top five na delegado na nangunguna sa botohan sa cover boy photoshoot ng Glen magazine. Ang limang delegado na nangunguna sa botohan ay sina Zach Russell na representative ng Taguig, Felipe Marasigan na representative ng Maynila, Brylle Villena na representative ng Quezon Province, John Wayne Alba na representative ng Calamba, Laguna, at si Jessie Guinto na representative ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Ang delegado na may pinakamaraming boto ay itatanghal na Glen Cover Boy 2026 sa Mister Pilipinas Worldwide finals night.
RELATED GALLERY: Mister Pilipinas Worldwide delegates charm as cover boys
Hindi lang ito ang partial online voting results na inilabas ng Mister Pilipinas Worldwide organization. Nitong nakaraang buwan lamang, inilabas ng organisasyon ang mga early frontrunners sa botohan para sa fashion and sports fashion photoshoots ng pageant.
Ang top five candidates ay sina Godfrey Nikolai Murillo representing Malolos, Bulacan, Jessie Guinto mula sa San Jose Del Monte, Bulacan, MJ Ordillano representing Parañaque, John Bonifacio representing Macabebe, Pampanga, at si Felipe Marasigan representing Manila. Ayon sa organisasyon, ang ranking ay kinuha mula sa combined votes ng mga delegado. Ang kandidato na may pinakamataas na boto ay awtomatikong pasok sa top 10 ng pageant.
Kamakailan lamang ay in-announce ng Mister Pilipinas Worldwide ang date at venue ng kanilang finals night. Ang finals night ay gaganapin sa April 15, 2026, 6 p.m. sa Bigger Pictures sa Mandaluyong City. Ang ticket price ay nasa P1,000, at required ang mga manonood na magsuot ng itim.
Ang fashion at sports fashion photoshoots ay ilang lamang sa mga photoshoots na ginawa ng mga kandidato ng Mister Pilipinas Worldwide pageant. Noong Marso, inilabas ng Mister Pilipinas Worldwide ang headshot ng mga kandidato. Inilabas din nila ang swimsuit photos ng mga kandidato noong buwan na iyon.
Binisita rin ng 20 kandidato ng Mister Pilipinas Worldwide pageant Negros Occidental, specifically ang lungsod ng Talisay at ang munisipalidad ng Don Salvador Benedicto. Binisita nila ang The Ruins at sumali sa tree planting activity sa Don Salvador Benedicto.
Ang 20 kandidato ay susunod sa yapak ng ilan sa mga pinakamatagumpay na male beauty pageant ng bansa. Ilan sa mga matagumpay na representative na ito ay sil Kirk Bondad, ang kasalukuyang Mister International, at si Mister Global 2024 Dom Corilla.
Check out the headshots of this year's Mister Pilipinas Worldwide pageant