
Sa ikalabing-tatlong linggo ng Return To Paradise, naging kritikal ang lagay nina Red at Eden matapos maaksidente sa kanilang sinasakyan na kotse dahil tinanggal ni Zandro ang preno nito bilang utos ni Rina.
Natagpuan nina Amanda at Lucho ang kinaroroonan nina Red at Eden at tumawag ng ambulansya upang madala sila sa ospital. Sa pagkikita nina Amanda at Rina sa ospital, patuloy pa rin ang pagtuturuan ng dalawa sa kung sino ang may kasalanan sa nangyaring aksidente.
Samantala, nagkita sina Red at Eden sa paraiso at napagkasunduan nila na bumalik muli sa mundo para makasama ang kanilang mga pamilya. Sa kabutihang palad, parehong na-revive ang buhay ng dalawa.
Natuklasan naman ni Lucho na ang kapatid ni Rina na si Zandro ang nagtanggal ng preno sa kotseng ginamit nina Red at Eden. Nang mahuli nina Lucho at Amanda si Zandro, inamin na ng huli na si Rina ang nag-utos sa kanya para gawin iyon.
Nang dahil sa pag-amin ni Zandro tungkol sa aksidente, inaresto si Rina ng mga pulis.
Humingi naman ng tawad si Eden sa kanyang ina matapos makita ang ebidensyang nagpapatunay na si Rina ang salarin sa likod ng aksidente nila ni Red. Humingi rin ng kapatawaran si Amanda kay Red at tinanggap na niya ang relasyon nila ni Eden.
Nakatakas naman si Rina mula sa mga pulis at nagpadala ng masamang mensahe para kay Eden. Bago nagsimula ang kasal ng dalaga kay Red, tumawag si Rina at ibinulgar na buhay ang kanilang anak.
Upang malaman ang katotohanan, kinompronta nina Red at Eden si Zandro sa presinto. Sa huli, inamin ni Zandro ang lahat ng masasamang ginawa nila ng kanyang nakatatandang kapatid.
Subaybayan ang nalalapit na pagtatapos ng Return To Paradise, simula mamaya hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.
Balikan ang mga eksena sa Return To Paradise rito.
Return To Paradise: 'Til death do us part | Episode 61
Return To Paradise: Love kept Eden and Red alive! | Episode 62
Return To Paradise: Eden finally believes Amanda's story | Episode 63
Return To Paradise: Rina's only treasure is gone | Episode 64
Return To Paradise: The confession of a monster's sidekick | Episode 65
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.