GMA Logo return to paradise
PHOTO COURTESY: Return To Paradise
What's on TV

Return To Paradise: Ang pagtakas nina Red at Eden | Week 12

By Dianne Mariano
Published October 28, 2022 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

return to paradise


Matapos makatakas mula kay Amanda, isang hindi inaasahang pangyayari ang sinapit nina Red at Eden.

Sa ikalabing-dalawang linggo ng Return To Paradise, matagumpay na ipinakulong ni Amanda si Rina at kinasuhan pa ang huli ng frustrated murder at frustrated homicide.

Sa kabila nito, hindi pa rin naging matagumpay si Amanda sa kanyang gusto na mukha muli ang loob ng nag-iisang anak na si Eden. Nalaman na rin ni Victor mula kay Lucho ang ilegal na negosyo ng kanyang asawang si Rina at kasabwat pa nito ang kapatid niyang si Zandro.

Kahit na mayroong matinding kasalanan na nagawa si Rina, inisip pa rin nina Victor at Red na pamilya pa rin nila ito kaya ipinagpiyansa nila ang una upang makalaya. Bago nakaalis si Rina sa presinto ay nakatanggap siya ng matinding pananakit mula sa kanyang mga kakusa.

Nalaman naman ni Amanda mula kay Rina na ikakasal na ang kanilang mga anak. Hindi natuloy ang pag-iisang dibdib nina Eden at Red dahil dumating si Amanda na mayroong kasamang mga armadong lalaki upang bawiin ang kanyang anak.

Inilabas naman ni Amanda sa kanyang anak ang mga hinanakit na dinadala niya matapos ang lahat ng masasamang ginawa sa kanya ni Rina. Sa kabila nito, nais pa rin bumalik ni Eden kay Red kaya hindi ito pinalabas ni Amanda sa kuwarto.

Matapos marinig ni Dindi ang plano ni Amanda na ilayo si Eden, tinulungan niya ang kanyang pamangkin para makatakas at makasama si Red. Matagumpay naman na nakatakas sina Red at Eden mula kay Amanda gamit ang sasakyan ni Lucho.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sira ang brake ng kotse na ginamit ng dalawa dahil pinutol ito ni Zandro bilang utos ni Rina. Dahil sa masamang balak ng huli kay Amanda, napahamak ang kanyang anak na si Red matapos maaksidente.

Subaybayan ang nalalapit na pagtatapos ng Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.

Balikan ang mga eksena sa Return To Paradise rito.

Return To Paradise: The devil finally admits her sin | Episode 56

Return To Paradise: A lesson that Rina will never forget | Episode 57

Return To Paradise: Stopping the wedding with a bang! | Episode 58

Return To Paradise: Breaking out of Amanda's prison | Episode 59

Return To Paradise: Moments before the looming catastrophe | Episode 60

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO: