GMA Logo Elle Villanueva and Derrick Monasterio
PHOTO COURTESY: Return To Paradise (show page)
What's on TV

Return To Paradise: Eden and Red are stranded on an island | Week 1

By Dianne Mariano
Published August 8, 2022 7:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva and Derrick Monasterio


Matapos ang isang trahedya, na-stranded sa isla ang college students na sina Eden Sta. Maria (Elle Villanueva) at Red Ramos (Derrick Monasterio).

Sa unang linggo ng Return To Paradise, isang trahedya ang sinapit ni Eden (Elle Villanueva) matapos magkaroon ng engine problem ang sinasakyan niyang eroplano.

Bago ang kaganapang ito, nabilanggo ang ina ni Eden na si Amanda (Eula Valdes) dahil siya ang itinurong suspek ni Rina (Teresa Loyzaga) sa pagkamatay ng anak nitong si Angelo.

Matapos ang walong taon, nakatanggap ng balita si Amanda na malapit na siyang makalaya at plano niyang sorpresahin si Eden. Sa kabilang banda, nag-crash sa dagat ang eroplanong sinasakyan ng dalaga at napadpad siya sa isang isla.

Nag-krus naman ang landas nina Eden at Red (Derrick Monasterio) sa isla matapos isalba ng huli ang buhay ng una mula sa peligro.

Hindi naman napigilan na maging emosyonal ni Amanda nang ibalita ni Dindi (Karel Marquez) na hindi matagpuan ang eroplanong sinasakyan ni Eden.

Samantala, nahanap nina Red at Eden si Coach Vinluan (Mia Pangyarihan) sa isla ngunit may malalang sugat ito sa katawan dahil sa nangyaring trahedya.

Nais naman maghiganti ni Rina kay Amanda bago ito makalaya sa kulungan kaya kinausap niya ang kanyang kapatid na si Zandro (Paolo Paraiso). Upang sundin ang utos ng kapatid, sinabihan ni Zandro ang isang preso na patayin si Amanda sa loob ng kulungan ngunit hindi ito naging matagumpay.

Unti-unti naman na nakilala ni Red si Eden dahil sa mga ibinahagi na kwento ng dalaga tungkol sa kanyang nakaraan. Sa kasamaang palad, binawian ng buhay si Coach Vinluan dahil sa matinding pinsala na natamo nito.

Ano kaya ang mangyayari kina Eden at Red sa isla? Subaybayan ang Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.


Balikan ang mga eksena sa Return To Paradise dito.

Return To Paradise: A mother's love requires sacrifice | Episode 1

Return To Paradise: Eden found a savior | Episode 2

Return To Paradise: Another suffering awaits for Amanda | Episode 3

Return To Paradise: A matter of life and death | Episode 4

Return To Paradise: Unfolding Eden's tragic story | Episode 5

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO: