GMA Logo Teresa Loyzaga and Eula Valdes
PHOTO COURTESY: Return To Paradise
What's on TV

Return To Paradise: Rina meets Mrs. Madrigal | Week 10

By Dianne Mariano
Published October 11, 2022 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Teresa Loyzaga and Eula Valdes


Nagsimula na si Amanda sa kanyang planong paghihiganti kay Rina. Ano kaya ang reaksyon ng huli nang malaman na si Mrs. Madrigal ay ang pinakamatindi niyang kaaway?

Sa ikasampung linggo ng Return To Paradise, unti-unti nang nilulunod si Eden (Elle Villanueva) ng bigat na nararamdaman dahil sa pagkawala ng anak nila ni Red (Derrick Monasterio).

Humingi naman ng tulong ang asawa ni Rina (Teresa Loyzaga) na si Victor (Ricardo Cepeda) kay Lucho (Allen Dizon) dahil mayroon itong problema sa pera. Sa paraang ito, nagamit nina Lucho at Amanda ang pangangailangan ng mga Ramos para masimulan na ng huli na pabagsakin ang pamilyang ito.

Nakatanggap naman si Zandro (Paolo Paraiso) ng pekeng pera na ginamit pa ni Rina para sa kanyang luho kung kaya't napalayas ang huli sa isang boutique store.

Mayroon ding dumating na regalo at imbitasyon kay Rina para sa housewarming party ni Mrs. Madrigal at pumunta rito ang una kasama ang kanyang pamilya.

Sa naturang event, labis na nagulat si Rina dahil hindi niya inaasahan na si Mrs. Madrigal ay ang pinakamatindi niyang kaaway na si Amanda. Sa pagkikita ng dalawa, nagbitaw ng mga maiinit na salita si Rina kay Amanda ngunit ipinakita ng huli ang kanyang tunay na lakas.

Sa kabila ng kanyang paghihiganti, hindi pa rin napigilan ni Amanda na mangulila sa kanyang nag-iisang anak.

Upang magising si Eden sa katotohanan na mali ang pamilyang pinili niya, ipinagpatuloy nina Amanda at Lucho ang kanilang mga plano laban sa mga Ramos.

Patuloy na subaybayan ang Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Balikan ang mga eksena sa Return To Paradise rito.

Return To Paradise: The beginning of Amanda's vengeance | Episode 46

Return To Paradise: A fire starts between Eden and Red | Episode 47

Return To Paradise: Rina's in for a big surprise | Episode 48

Return To Paradise: Exes and more | Episode 49

Return To Paradise: Revenge over bloodline | Episode 50

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.