
Mapapanood na ang kaabang-abang na Return To Paradise simula August 1 sa GMA Afternoon Prime.
Bukod sa world premiere ng show, ipagdiriwang din ni Kapuso hunk Derrick Monasterio, na bibida bilang si Red Ramos, ang kanyang 27th birthday sa August 1.
Sa ginanap na online media conference ng Return To Paradise, ibinahagi ng hunk actor ang kanyang birthday wish.
Ayon kay Derrick, ang kanyang wish ay ang maging matagumpay ang Return To Paradise, na kanyang pinagbibidahan kasama sina Elle Villanueva at Eula Valdes.
“Ang birthday wish ko is for this show [Return To Paradise] to fly, na maka-relate ang mga tao rito, maging number one ito sa GMA Afternoon Prime. Gusto ko sana kapag sinabing GMA… this is quite ambitious pero it can happen. Kapag sinabing GMA Return To Paradise tapos lahat ng mga scenes sana maging viral.
“And sana this is the start of a new era of teleserye na talagang maging game changer kami. That's my birthday wish.”
Mga Kapuso, abangan n'yo ang pagganap ni Derrick Monasterio bilang Red Ramos, ang rich kid at campus heartthrob, sa Return To Paradise ngayong August 1 sa GMA Afternoon Prime.
BEHIND-THE-SCENES AT THE PICTORIAL OF RETURN TO PARADISE: