
Panalo sa ratings ang episode ng GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise noong October 7.
Sa ika-50 episode ng nasabing programa, matatandaan na hindi pa rin napigilan ni Amanda (Eula Valdes) na mangulila sa kanyang nag-iisang anak na si Eden (Elle Villanueva).
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang kanilang plano ni Lucho (Allen Dizon) sa pagpapabagsak sa pamilya Ramos.
Humingi naman ng tawad si Red (Derrick Monasterio) kay Eden dahil sa kanyang mga pagkukulang at nangakong mas magiging matatag silang dalawa.
Samantala, nag-iisip naman si Rina ng plano laban kay Amanda para sa kung anuman ang inihahanda sa kanya ng huli.
Sa episode na ito, nakapagtala ang Return To Paradise ng 8.6 percent ratings, base sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
PHOTO COURTESY: GMA Drama
Patuloy lamang na sumubaybay sa Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm, sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang Return To Paradise sa GMA Network at sa livestream sa GMA Network YouTube channel.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO: