
Isa sa mga sinusubaybayan sa GMA Afternoon Prime series na Unica Hija ang reunion ng StarStruck batchmates na sina Mark Herras at Katrina Halili na mula sa debut season ng reality artista search.
Huli silang nagkatrabaho sa 2017 drama revenge series na D'Originals. Bago ito, bumida sila sa 2016 afternoon drama series na Sa Piling Ni Nanay, kung saan nakasama rin nila ang isa pa nilang batchmate sa StarStruck na si Yasmien Kurdi.
Sa Unica Hija, ginagampanan ni Katrina ang papel na Diane, ang ina ng yumaong si Bianca (Kate Valdez).
Ang karakter ni Mark na nagngangalang Zach ang nagbunyag kay Diane na may clone ang namatay nitong anak.
Konektado ang kanilang roles dahil nagtrabaho sa laboratoryo ng asawang scientist ni Diane na si Christian (Alfred Vargas) ang ina ni Zach.
Sa episode ng Unica Hija noong Lunes, January 23, kinumpirma ni Zach ang pagkakaroon ng clone ni Bianca.
Hindi agad naniwala si Diane dito matapos siyang gatungan ng misis ni Zach na si Cara at kapatid nitong si Lucas. Sinabi ng magkapatid na wala sa katinuan si Zach kaya nito nasabi na may clone si Bianca na first love ni Zach.
Ang nasabing episode kung saan tampok sina Mark at Katrina ay tumabo ng isang milyong views wala pang isang araw matapos ipost ang highlights video nito sa Facebook page ng GMA Drama.
Sa pagpapatuloy ng kwento, nakumbinse rin ni Zach si Diane na may clone si Bianca matapos magpakita ng karagdagang ebidensiya--ang notebook ni Christian na nakuha niya sa clone mismo ni Bianca na si Hope.
Namulat sa katotohanan si Diane nang sabihin ni Zach na nabuo ang clone mula sa kanyang frozen egg cell.
Patuloy na subaybayan ang Unica Hija weekdays, 3:20 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.
Ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
NARITO ANG PASILIP SA SET NG UNICA HIJA: