
Ilang araw na ang nakalipas mula nang muling pumasok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sina Charlie Fleming at Ralph De Leon.
Kahapon, dumating na ang takdang oras para ipaalam sa ibang PBB girls ang naturang task ng boys: isang linggog kinailangang itago ng mga boys ang pagbabalik nina Charlie at Ralph sa loob ng Bahay ni Kuya.
Tagumpay ang PBB boys sa pagtatago kay Ralph, kaya't secured na nila ang 50% ng kanilang weekly budget. Subalit may ilang girls ang nakahuli kay Charlie, dahilan upang hindi nila makuha nang buo ang budget.
Sa grand reveal, nagtilian ang girls nang sa wakas ay makita nila si Charlie. Ngunit mas ikinagulat ng lahat ang biglaang paglabas ni Ralph--ang hindi nahulaang housemate na lihim na nasa loob na rin ng bahay.
Labis ang tuwa ng netizens sa masayang reunion, lalo na sa muling pagkikita nina Ralph at AZ Martinez. Matatandaang ilang beses na silang naging malapit sa isa't isa bago lumabas si Ralph, kaya't hindi maiwasan ang kilig mula sa fans.
Patuloy na nagte-trending ang related hashtags ng dalawa sa X (dating Twitter) at mainit na pinag-uusapan sa iba't ibang social media platforms.
speechless si az omg HAHAHHA
-- kasey 🪼 (@likeazey) May 24, 2025
AZRALPH SATna MagkitaNa#PBBCollab2ndBigIntensityTask pic.twitter.com/73vtDvzxBa
aaaaaaa the hug!! ganda ng smileee
-- • (@azraluvr) May 24, 2025
AZRALPH SATna MagkitaNa pic.twitter.com/nwIQ5p0LVv
may sarili na naman silang mundo
-- s (@eternalazshine) May 24, 2025
AZRALPH SATna MagkitaNa pic.twitter.com/ODplZfxvBz
Samantala, humaharap ngayon ang housemates sa ikalawang Big Intensity Challenge para makakuha ng immunity sa paparating na nominations. Sa challenge ring ito, magkakaroon sila ng pagkakataong pumili ng kanilang final duo.
Sa unang round ng hamon, wagi sina Shuvee Etrata sa mga Kapuso at Ralph De Leon sa mga Kapamilya.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Kilalanin sino ang 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' housemates, dito: