
Mukhang hindi lang si Cory (Kim Hyang-gi) ang napapahamak ngayon dahil maging si Cha Eun-woo aya nakakaranas ng “bullying” nang may mag-post ng isang scandal tungkol sa kanya online. At dahil malaking fan, hindi papayag si Dolly (Kim Hwan-hee) na mapahamak ito.
Sa tulong ni Dolly, ng iba pang mga fans ni Cha Eun-woo, at ng Revenge Note app ni Cory, ay matutulungan nila ang binata na hanapin ang salarin.
Nalagay sa panganib ang buhay ni Dolly nang may kumidnap sa kanya habang pauwi siya galing school. Sino nga ba ang kumuha sa kanya at ano ang pakay nito sa dalaga?
Sa huli ay naligtas din si Dolly ng mga kaibigan niyang sina Cory at Justin.
Samantala, isang tao ang gusto ipahamak si Cha Eun-woo at gumawa ng scandal nito. At dahil malaking fan si Dolly, kasama ang iba pang mga fans, hinanap nila ang source kung sino ito.
Nang makuha ni Dolly ang maaaring pangalan ng source, sinabi kaagad niya ito kay Cory at dito, ginamit ng dalaga ang app para paghigantihan kung sino man ang may pakana noon.
Matapos nilang makakuha ng ideya kung sino ang salarin, nagsimula nang kumilos ang mga estudyante at hinanap kung sino at nasaan ang taong nagpakalat ng scandal. Hindi lang pisikal na paghahanap ng bahay ng salarin, ang ilan sa kanila ay nag-search din online para mahanap ang tamang tao.
Samantala, habang unti-unti nang lumalabas ang katotohanan ay natatakot at kinakabahan na rin ang salarin hanggang sa hindi na nito malaman ang dapat gawin.