
Ano ang gagawin mo kung isang phone app ang nag-alok sa'yo na ipaghihiganti ka? 'Yan mismo ang tanong ni Cory (Kim Hyang-gi) sa sarili nang matanggap niya muli ang link para sa app na Revenge Note.
Matapos makaranas ng pambu-bully ni Cory, natanggap niya ang link para idownload ang Revenge Note, isang app kung saan makakapaghiganti ang gumagamit sa isang tao na ilalagay ang pangalan sa app.
At dahil hindi na niya kinakaya ang pambu-bully na ginagawa sa kanya ay ginamit na niya ito.
Nang mabalitaan ni Cory ang nangyari sa kaklase niya, hindi niya maiwasang mag-isip kung sino ang may pakana ng app.
Samantala, ang kaklase naman niyang si Dolly (Kim Hwan-hee) ay ipinakita ang pagiging fan niya sa K-Pop star na si Cha Eun-woo. Dito, nakita ni Cory ang kakayahan ni Dolly sa pagdo-drawing at ang dedikasyon nito sa iniidolo.
Sa school, isa sa mga teacher nina Cory at Dolly ay may ginagawang hindi maganda sa isa sa mga kaklase nila. At kahit gusto nilang i-report ang teacher ay alam din nilang hindi maniniwala ang school sa kanila.
Kaya naman isang plano ang naisip ni Dolly para "paghigantihan" ang salbahe nilang teacher. Nagpanggap si Cory bilang ang estudyante na binibiktima ng teacher nila at dahil dito ay nahuli nila ito.
Dahil dito, nalaman nilang naging malaking tulong ang ginawa nila sa kanilang kaklase at nagpasalamat pa ito kina Cory at Dolly.
Sa ginawa ni Cory, napabilib niya si Justin (Park Solomon), isang bagay na ipinaalam ng binata sa kanya. Bukod pa dun, naibalik na rin ni Cory ang hiniram nitong necktie at isang munting regalo para sa hinahangaan.
SAMANTALA, KILALANIN SI KIM HYANG-GI, ANG GUMANAP BILANG CORY, SA GALLERY NA ITO: