
Sa interview ng The Clash grand champion na si Rex Baculfo sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi niyang Dentistry ang kinukuha niyang kurso noon dito sa Pilipinas, pero hindi niya ito natapos. Dahil dito, nalungkot ang kanyang mga magulang.
"Big disappointment sa parents ko na huminto ako ng Dentistry. And hindi rin po kasi biro 'yong gastos po. Kaya dumating po 'yong point na kailangan kong gawin 'yong gusto na nila. Na lumipad ako ng Australia para mag-aral naman ng Dental Technology," ayon kay Rex.
Kwento pa niya, “Nandoon (sa Australia) po kasi 'yong sister ko and 'yon lang po talaga 'yong paraang naisip po nila and actually naisip ko rin po na way na to make it din para makabawi rin po ako sa kanila.
“Kasi kung maging okay po ako doon sa Australia, I can work doon and you know, parang mare-pay ko po 'yong mga nangyari na kasalanan ko sa kanila. So talagang sinunod ko po 'yon, lumipad ako ng Australia, pinuntahan ko 'yong ate ko at nag-aral po ako doon,” pagpapatuloy nito.
Ayon kay Rex, bukod sa pag-aaral ay nagpa-part time work din siya sa Australia at pumasok sa iba't ibang trabaho, kabilang na ang pagiging isang kitchen hand sa isang restaurant.
Subalit nang magsimula ang pandemic at nagkaroon ng mga lockdown, maraming naapektuhan at kahit si Rex ay nawalan daw ng trabaho.
“Nagbawas lang sila ng workforce so me na naghahanap ng trabaho wala rin po talagang nakuha,” kuwento ni Rex.
Pagpapatuloy nito, “But 'yong nagsalba po sa akin is livestreaming, which is bumalik na naman po ako [sa pagkanta].”
Ayon kay Rex ay namiss daw niya talaga ang pagkanta at pag la-livestream daw ang ginawa niya habang walang trabaho.
“Kasi talagang ang hirap po na wala kang ginagawa sa bahay. So parang doon mas lumakas yong fire ng puso ko in singing,” sabi ni Rex.
“Bumalik po ako sa first love ko na hindi ko sinabi sa parents ko. Hindi po nila alam na nagla-livestream ako, hindi nila alam na ginagawa ko 'yon. Kasi sabi ko nga po ginawa ko 'yong gusto muna nila, pero ito na naman ako bumabalik na naman ako,” dagdag ni Rex.
“Ayoko na naman silang mag-isip na parang 'ayan na naman kumakaliwa ka na naman dapat dire-diretso na lang,' parang ganu'n,” pagbabahagi niya.
Kaya nang sumali siya sa The Clash, inisip nya na huli na itong pagkakataon na susuwayin nya ang gusto ng kanyang mga magulang.
"Kung walang mangyayari, ito na 'yung last, The Clash na 'yung last ko. Susundin ko na 'yong parents ko after this. Magtatrabaho na ako, maghahanap ako ng experience and babalik ako sa Australia."
Sa huli, napatunayan ni Rex na hindi naman nasayang ang pagpupusige niya na ipaglaban ang kanyang first love, ang pagkanta.
Abangan ang mga exciting na proyekto ni Rex sa Kapuso network, kabilang na ang pagkanta ng theme song ng inaabangang BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) teleserye.
SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA MAS PINILING MANIRAHAN SA IBANG BANSA: