
Matapos ang limang linggo, kumpleto na ang top 15 contestants ng intense singing battle sa bansa na The Clash 2023.
Sina Rex Baculfo (Caloocan), Isaac Zamudio (Mandaluyong), at Jean Drilon (Batangas) ang huling batch na kumumpleto sa top 15 ng ikalimang season ng GMA singing competition.
Sila ang huling sumalang sa round one ng kompetisyon kung saan nakatapat ni Rex si Shynde Madrazo (Davao de Oro); Isaac si Clar Wepingco (Cavite); Jean si Nash Casas (Cebu) na napanood sa nakaraang episode ng The Clash 2023 na ipinalabas noong Linggo, February 19.
Samakatuwid, sina Rex, Isaac, at Jean ay makakatungtong sa second round ng The Clash 2023 matapos tanghaling 'Top of the Clash.'
Makakasama nila sa next round sina Liana Castillo, Lara Bernardo, Mark Avila, Jemy Picardal, Kirby Bas, Arabelle Dela Cruz, Jerome Granada, Pupa Dadivas, Zyrene Ciervo, Jayvee Real, Mariel Reyes, at Jamie Elise.
Ang The Clash 2023 ay pinangungunahan ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Ang panel of judges naman ay binubuo nina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha.
Mapapanood ang The Clash 2023 tuwing Linggo, 7:50 p.m. bago ang KMJS sa GMA 7.
Mayroon din itong livestream sa YouTube channel at Facebook page of The Clash at sa Facebook page of GMA Network.
Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash at sa official social media pages ng programa.
Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
BAGO MAGSIMULA ANG ROUND TWO, KILALANIN ANG TOP 30 CLASHERS NA NAGLABAN-LABAN SA THE CLASH 2023: