GMA Logo rey valera
What's on TV

Rey Valera, inspirasyon ang mga pangkaraniwang tao sa pagsusulat ng kanta

By Jimboy Napoles
Published August 3, 2023 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landslide death toll at 32
Rabiya Mateo shares mental health diagnosis
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

rey valera


Ang sikreto sa classic hugot songs ni Rey Valera ay ang kuwento mismo ng mga pangkaraniwang tao.

Kilala ang OPM icon na si Rey Valera sa kanyang tagos sa pusong mga awitin tungkol sa pag-ibig at buhay.

Sa pagbisita ni Rey sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi niyang inspirasyon niya sa pagsusulat ng mga awitin ay ang kuwento ng mga pangkaraniwang tao na nakikita niya.

Kuwento niya, “Ang ginagawa ko ay gumagawa muna ako ng isang topic. Hindi naman puwedeng puro topic sa sarili ko dahil wala naman pakialam ang mga tao kung namatay 'yung aso ko. Ang mahalaga sa kanila yung buhay nila, 'Ay, ako 'yun.'”

Ayon kay Rey, madalas niyang pagmasdan ang mga tao sa kanyang paligid at sinusubukang ilagay ang sarili sa kanilang mga posisyon upang makahugot ng inspirasyon sa kanyang isusulat na kanta.

Aniya, “Ang nangyayari, kumukuha po ako ng topic or inspirasyon doon sa mga taong naglalakad do'n sa Monumento, sa pangkaraniwang tao. Mapapansin mo ako na nasa isang sulok lang ako at nagmamasid pero nag-iisip na ako, 'Ano'ng nararamdam ng taong ito?'”

Dagdag pa niya, “Sa English ang tawag pala diyan ay putting yourself in someone else's shoes, parang empathy ba. At sa ganoong paraan, kapag inilagay ko ang sarili ko [halimbawa] kay Boy Abunda, iniisip ko na 'Ano'ng problema niya? Kailan siya masaya?'

“Then ikaw at ako magiging isa na lang. You and I become one. Kaya 'yung experience mo hindi na alien sa akin dahil nailagay ko 'yung sarili ko sa iyo.”

Sumang-ayon naman dito si Boy at sinabing, “Tawag mo empathy. Ang tawag namin sa social development ay co-feeling. Parang isa ang inyong pakiramdam, you are co-feeling each other.”

Samantala, muling mapapanood si Rey nang live sa Newport Performing Arts Theater sa darating na August 4, kung saan makakasama niya ang singer-comedienne na si K Brosas.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.