GMA Logo Rey Valera
What's on TV

Rey Valera, nagsisising isinulat ang awiting 'Kung Tayo'y Magkakalayo'

By Jimboy Napoles
Published August 2, 2023 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ashley Sarmiento, Rave Victoria explore South Korea
Fire displaces 48 families in CDO on Good Friday
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Rey Valera


Rey Valera sa awitin niyang 'Kung Tayo'y Magkakalayo:' “Imagine, ang dami ko palang nasirang relasyon.”

Inamin ng batikang singer at songwriter na si Rey Valera na may isinulat siyang awitin na pinagsisisihan niya ngayon, at ito ay ang isa sa kanyang mga hit song na “Kung Tayo'y Magkakalayo.”

Sa pagbisita ni Rey sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong siya ng TV host na si Boy Abunda kung anong awitin ang pinagsisisihan niyang isinulat.

“Rey, meron ka bang kanta na sinasabi mo sa sarili mo na sana hindi mo na lang isinulat ito?” tanong ni Boy kay Rey.

Sagot naman ng OPM icon na si Rey, “Nagsisisi ako. Alam n'yo 'yung kantang 'Kung Tayo'y Magkakalayo?'”

Ang nasabing awitin ay may mga linyang, “Aking nadarama, pagsasama nati'y di magtatagal,” na patungkol sa relasyon ng magkasintahan.

Kuwento ni Rey, “Kasi merong lumalapit sa akin [sinasabi], “Ay alam mo, paborito naming kanta mo 'yung 'Kung Tayo'y Magkakalayo.'

“Sabi ko, 'O, nagkahiwalay kayo?' 'Oo Sir.'”

Dagdag pa niya, “'Di ba? Imagine, ang dami ko palang nasirang relasyon.”

Paliwanag pa ni Rey, “Alam mo kasi Boy, na-realize ko na ang kanta e nakakaapekto siya sa isipan, sa pananaw natin sa buhay. Kaya minsan na-i-internalize natin, nai-a-act out natin 'yung kanta.”

Ayon pa sa songwriter, “Kaya delikado ang kanta actually kung magkakamali 'yung gumagawa ng kanta. Itong kanta na ito actually isa sa mga pinagsisisihan ko pero nandoon na e.”

Samantala, muling mapapanood si Rey nang live sa Newport Performing Arts Theater sa darating na August 4, kung saan makakasama niya ang singer-comedienne na si K Brosas.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.