
Isa ang batikang aktor na si Rez Cortez sa mga pinakamagagaling pagdating sa pag-arte. Sa katunayan, may ilang beses na rin siyang nakatanggap ng nominasyon mula sa iba't ibang award-giving bodies. Ngunit matapos ang halos 50 taon sa industriya, hindi pa siya nananalo ng award. May tampo nga ba siya sa entertainment industry?
Sa pagbisita niya, kasama ang kaibigang si Bembol Roco, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, September 3, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang mga nagawa nilang pelikula sa loob ng halos 50 taon.
Dito, tanong ni Boy kay Rez, “Wala kang tampo na not even one award hindi ka binibigyan ng industriya?”
Sagot ni Rez, “Hindi ako nagtatampo kasi nga naintindihan ko kung papaano mag-work 'yung award-giving bodies. Siguro marami akong nominations pero hindi ako nanalo kasi mas magaling 'yung kalaban ko in that particular time.”
BALIKAN ANG ILAN SA MGA PINOY CELEBRITIES NA NAKATANGGAP NG INTERNATIONAL AWARDS SA GALLERY NA ITO:
Pagpapatuloy pa ng batikang aktor, marami namang award ang kaibigan niyang si Bembol kaya makikihati na lang daw siya rito.
Samantala, nang tanungin naman ng batikang host si Bembol kung ano ang isang pelikulang iiwan nito bilang kaniyang legacy, sinagot ng batikang aktor na wala siyang ibang iiwan kundi ang 1975 film niya na Maynila sa mga Kuko ng Liwanag.
Nang tanungin naman siya kung bakit, ang sagot ni Bembol, “That changed my life literally. Isang napakagandang pelikula, kahit sa buong mundo ay pinag-uusapan ito at dahil sa ganda ng pagkakagawa ng aspeto ng paggawa ng pelikula.”