What's Hot

Rhea Santos, bilib sa tatag ng Pinoy

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 1:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sto. Niño images blessed at Tondo Church during feast day
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News



Para kay Rhea Santos, natututo na ang mga Pinoy dahil sa mga pinagdaanan nila. 
By MARY LOUISE LIGUNAS
 


Hindi mapapantayan ang husay at sipag ng Pinoy, ayon kay Unang Hirit host Rhea Santos.

Pagkatapos ng hagupit ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon, marami pa ring pinagdaanan ang bansa ngayong 2014. Gayumpaman, tuloy pa rin ang ating laban at pakikipagsapalaran.

“Magaling magtiis ang Pinoy eh. Kahit sa dinami-dami ng problema na hinaharap natin – mapa-pulitika, trahedya and of course, controversies, patuloy pa ring positibo ang Pinoy,” sabi ni Rhea.

Para sa kanya, ang ikinaganda ngayong taon ay halatang natututo na ang mga tao mula sa mga dating pinagdaanan.

“(Nagkaroon na ng) wake-up call (ang) maraming  Pilipino dahil natututo na silang magsalita at lumaban especially with social media, gadgets, cellphones, etc.,” aniya.

Hiling ni Rhea na sa trabaho ng media at sa mga mensaheng ipinapadala ng netizens gamit ang social media ay umunlad ang bansa.

“Mas vocal na ang mga Pilipino ngayon so sana lang, mapakinggan ng mga taong concerned,” dagdag niya.

Ngayong Sabado, babalikan ni Rhea ang ilan sa mga balitang nagpasaya, nagpalungkot, gumulat at nagpalakas sa mga Pilipino. Kasama si Tom Rodriguez, tatalakayin niya ang mga hindi makakalimutang nangyari ngayong taon sa #Throwback2014.

Panoorin ang yearend special ng GMA News and Public Affairs ngayong Sabado, 8:30 p.m. sa GMA.