
Matapos ang 19 years, lilisanin ni Kapuso host at broadcast journalist Rhea Santos ang programang Unang Hirit.
Tutungo kasi siya ng Canada para mag-migrate at muling mag-aral.
"I'm going back to school to study broadcast and online journalism which I think is very timely because everything is going digital. I'm going back to being a student. It's a second degree and there's an opportunity to bring the whole family. I'm only 40 and I know that I can still do more. I'm willing to learn. It would be a big regret if I don't try," paliwanag niya.
Malaking oportunindad daw ito para sa kanya at sa kanyang pamilya.
"If I do it, I can give the world to my kids. That's what I want. That's what every parent wants--to give the world to their kids. That's why I'm excited," aniya.
May mensahe naman siya para sa lahat ng tumangkilik sa kanya.
"They have accepted me 19 years ago. Bago pa lang ako noon, nagkakamali pero natututo sa pagkakamali, pero binigyan nila ko ng pagkakataon para matutuo, para gawin 'yung pinangarap kong gawin. Thank you for opening your homes to me every morning--for drinking your coffee with me, for eating your breakfast with me, bago pumasok sa eskwela, bago pumasok sa opisima. Maraming, maraming salamat," pahayag ni Rhea.
Lubos naman daw niyang mami-miss ang pagtatrabaho sa Unang Hirit.
"What will I miss? Of course, the friendship, barkadahan. Pero sabi ko naman, 'yung friendship hindi nawawala 'yan. Physically, of course, magiging absent ako dito pero we have a lifetime of friendship to hold on to," aniya.
Nagsimula si Rhea bilang isang segment producer na gumagawa ng mga beauty at fashion stories para sa Unang Hirit bago nagbigyan ng pagkakatong maging isa sa mga hosts nito.
Samantala, ipadiriwang ng Unang Hirit ang ika-20 anibersaryo nito ngayong Disyembre.
Mariz Umali is officially part of the Unang Hirit barkada!
WATCH: Arnold Clavio meets 'Arnold Kambiyo' in 'Unang Hirit'