GMA Logo Rhian Ramos
What's on TV

Rhian Ramos appreciates the positive feedback on her outstanding performance in 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published July 28, 2024 6:35 PM PHT
Updated July 29, 2024 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos


Gumaganap si Rhian Ramos bilang si Filipina Dela Cruz sa 'Pulang Araw.'.

Grateful ang award-winning Kapuso actress na si Rhian Ramos sa mga positibong komento tungkol sa kaniyang acting performance sa family drama ng GMA na Pulang Araw.

Tatlong araw kasi bago ang world TV premiere nito sa GMA Prime bukas, July 29, ay nagsimula na itong mapanood sa streaming platform na Netflix noong Biyernes, July 26.

Sa unang episode ng serye, napanood na ang karakter ni Rhian bilang si Filipina Dela Cruz ang mapagmahal na ina nina Eduardo at Adelina na ginagampanan naman nina Alden Richards at Barbie Forteza.

Dahil sa ipinakitang husay ni Rhian, agad itong pinag-usapan at nag-trending sa social media.

Sa TikTok, nag-repost si Rhian ng isa sa mga eksena niya sa naturang episode na talagang hinangaan ng fans.

@whianwamos_ Here's some #PulangAraw behind the scenes. Watch it on Netflix today and on GMA on Monday! #RhianRamos #celebritiesonset #behindthescenes #fyp ♬ original sound - Rhian Ramos

Sa media conference ng bagong pelikula ni Rhian na Miss Probinsiyana, nag-react ang aktres sa tanong ng press tungkol sa Pulang Araw.

Aniya, “I really feel amazing especially this week kasi nagsasabay-sabay 'yung mga magagandang pangyayari sa buhay ko ngayon. I really, really wanted to give my very possible best to Pulang Araw.”

Ayon pa kay Rhian, pinag-aralan niya rin ng mabuti ang kaniyang role dahil hindi rin ito basta-basta kahit isang episode lang ang itatakbo ng kaniyang mga eksena.

“Upon reading the script, I knew right away na it's a very important project, marami tayong matututunan from it and kahit one day lang 'yung character ko I just wanted to make all the symbolisms about my character very clear. So mukha namang naging clear parang na-gets naman nila si Fina and I'm very very happy and grateful for all the responses,” ani Rhian.

Paglalahad pa ng aktres, talagang inalis niya sa kaniyang karakter ang pagiging conyo niya.

“Well, siyempre isa 'yun sa mga goal ko. 'Yun 'yung isa sa mga bagay na tinanong ko talaga sa direktor namin kasi siyempre ito 'yung panahon na bago pa lang ang mga Amerikano sa bansa natin so walang 'like this' magsalita.

“So, I was asking talaga specifically kung papa'no ko bibitawan ang English lines, kasi marunong siyang mag-English. Ayun nga, I'm happy na na-feel nila na nawala 'yung pagka-conyo ko kasi gusto ko talaga na ma-feel nila si Fina at hindi si Rhian,” masayang sinabi ng aktres.

Kuwento naman ni Rhian tungkol sa kaniyang hairstyle sa serye, “It was two hours every day and hindi siya wig. Buhok ko talaga 'yun, it takes so much to do that to your hair. Two hours to take it on and about an hour to take it off.”

Iikot ang kuwento ng Pulang Araw sa magkakababata na sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na mga Hapones.

Sa pagsiklab ng World War II, magiging mitsa rin ito ng iba't ibang mga problema sa buhay ng apat na magkakaibigan.

Samantala, mapapanood naman ng libre ang Pulang Araw sa mga telebisyon simula bukas, July 29, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: Rhian Ramos stuns at the Venice Film Festival Red Carpet