
Muling magsasama para sa panibagong GL (Girls Love) project sina Rhian Ramos at Glaiza De Castro sa pelikulang I Fell, It's Fine.
Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, March 6, ikinuwento nina Rhian at Glaiza kung paano nabuo ang kanilang reunion project.
Ayon kay Glaiza, nagsimula ito dalawang taon na ang nakalilipas nang maimbitahan silang mag-perform sa isang GL fan meet.
"Nangyari siya dahil may fan meet 'yung isang Thai GL love team, si Freen and si Becky. This happened mga two years ago po siguro, and then we were asked to performed there as an opening act," kuwento ni Glaiza.
"So parang ang tagal din namin kasi na hindi nagsasama sa stage... Parang everyone was anticipating na magkasama kami sa stage together nu'ng time na 'yon.
"Isa 'yun sa mga pinaka-memorable experience ko on stage with her kasi sa sobrang lakas ng mga tilian ng mga tao, hindi namin marinig 'yung audio, 'yung music. Tapos parang natuwa 'yung mga producers namin talaga and then everyone was shouting, movie.
"Kasi after din po nung The Rich Man's Daughter parang wala ng kasunod, parang gusto nila sana mayroong spinoff or pelikula," dagdag ni Glaiza.
Ani Glaiza, ang I Fell, It's Fine ay galing sa orihinal na konsepto ng kanilang mga producers.
"And then parang ginawa ng literal. May kaunting patikim lang, literal 'yung may nag-fall," sabi ni Glaiza.
Pagpapatuloy ni Rhian, "And then may technically may nag-fall din emotionally.
"It's a story about growth, about healing. How someone can come into your life and heal you. It's a story about learning, love, understanding."
Nang tanungin kung ito ba ay lesbian scene movie, sagot ni Rhian, "I wanna call it a GL." Dagdag naman ni Glaiza, "There are elements."
Napatingin naman sa isa't isa sina Rhian at Glaiza nang tanungin ni Tito Boy kung magkakaroon ba sila ng love scene sa pelikula.
Natatawang sagot ni Glaiza, "Secret."
Sabi naman ni Rhian, "What I can say about this movie though, is we don't have the kind of censorship that we used to have in 2015. So there's so much more freedom with this movie. And, we hope that the fans will feel happy, busog, satisfied."
Ibinahagi rin nina Rhian at Glaiza ang kanilang paboritong eksena sa movie.
Para kay Rhian, "May favorite scene I'm gonna call it the bathtub scene. There was like a nice flow of different kinds of emotions."
Ang "ATV scene" naman ang paborito ni Glaiza. Sabi niya, "Bago kasi magkaroon ng bathtub scene, may ATV scene din na paborito ko rin kasi na-enjoy ko siya.
"Kasi nu'ng ginagawa namin siya hindi lang dahil maganda 'yung eksena pero dahil 'yung proseso na habang ginagawa namin siya na-enjoy ko rin.
"Kasi si Rhian 'yung nasa likod ko tapos parang nagpa-practice akong mag-ATV. Medyo kinakabahan ako kasi syempre kargo ko siya. Nagawa ko naman nang maayos, wala namang nadisgrasya. Parang ang sarap lang sa pakiramdam na gawin namin siya together."
Samantala, kasalukuyang napapanood sina Rhian at Glaiza bilang Mitena at Pirena sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Related content: