Article Inside Page
Showbiz News
Inamin ng 'The Rich Man’s Daughter' stars na naiilang pa rin sila sa ilang eksena kung saan kailangang maging sweet sila sa isa’t-isa.
By MARY LOUISE LIGUNAS and BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Sa isang panayam sa
Unang Hirit, inamin ng
The Rich Man’s Daughter stars na sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro na naiilang pa rin sila sa ilang eksena kung saan kailangan nila maging sweet sa isa’t-isa.
"Pagdating sa mga parts na kunyari mag-hu-hug kami [or] holding hands… parang naninibago ako na 'yung kamay, ang liit ng kamay na hawak ko o kaya pag i-hu-hug ko siya parang [naninibago ako na] bare 'yung shoulders kasi 'di ba pagka leading man 'yung i-hu-hug mo, naka t-shirt, naka polo, tas ang laki [ng katawan]," sabi ni Rhian.
Subalit habang tumatagal ay nasasanay rin sila at nadadala sa mga eksena.
“…Pagka tumagal na siya, wala nang [distractions na] babae siya o pareho silang babae. Nag-fo-focus na [kami] sa pagmamahalan nila, doon sa nararamdaman nila para sa isa’t-isa,” said ni Glaiza.
Ikinuwento rin niya na natutuwa sila sa pagtanggap ng mga manonood. May nagsabi nga raw kay Glaiza na masaya silang may ganitong klaseng palabas na naglalarawan sa buhay ng LGBT community.
“Meron ngang nag-di-direct message sa ‘kin [tungkol] sa personal na buhay nila. Like 'yung mga iba, merong pamilya, may kinasal sa ibang bansa dahil hindi puwede dito… Sobrang saya nila dahil for the first time, meron ngang nag-re-represent sa kanila… Parang hindi nila pakiramdam na nag-iisa sila o misunderstood sila,” dagdag ni Glaiza.
Napaka-fulfilling para kay Rhian na gampanan ang role ni Jade at nagpapasalamat siya sa mga taong nagpapakita ng kanilang suporta sa show at sa mga taong bumubuo nito.
“It really lifts us up and binibigyan niyo po ng purpose at dahilan 'yung pagod and we just wanna do more,” aniya.