
Isang natatanging pagganap ang dapat abangan mula kay Kapuso actress Rhian Ramos sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Siya ang bibida sa two-part special tungkol sa buhay ni Pia Hugo, isang teacher, author, at Christian minister.
Five years old pa lang si Pia nang makaranas ng paulit-ulit na panggagahasa ng kanilang family driver. Itinago niya ito ang nag-focus na lang sa pag-aaral.
Nang tumanda si Pia, nakaranas naman siya ng pangmomolestiya mula sa kanyang brother-in-law.
Ano ang magtutulak kay Pia na aminin ang mapait na karanasan sa kanyang pamilya?
Makakasama ni Rhian sa episode sina Al Tantay, Bing Pimentel, Ian Ignacio, Thia Thomalla, Kirst Viray, Orlando Sol, Melissa Avelino at Jacob Tountas.
Abangan si Rhian Ramos sa brand new episode na pinamagatang "A Child's Trauma," September 3, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: