
Pinatotohanan ng Kapuso actress at Royal Blood star na si Rhian Ramos sa Fast Talk with Boy Abunda ang ilan sa mga naging usap-usapan noon tungkol sa relasyon nila ng boyfriend niyang si Sam Verzosa gaya ng breakup dahil sa umano'y kakulangan ng komunikasyon.
Sa panayam ni Rhian sa batikang host na si Boy Abunda, nilinaw ng aktres ang nasabing isyu.
“Yes, that is true,” ani Rhian tungkol sa paghihiwalay nila noon ni Sam.
Dagdag pa niya, “I guess we could've communicated better."
Ayon kay Rhian, nagkabalikan din sila ni Sam matapos mapag-usapan ang kanilang mga problema at natutunan nilang maging mas bukas ang komunikasyon sa isa't isa.
Aniya, “I think, it's very important in a relationship na kaya niyong pag-usapan lahat and you're not forcing the other person na hulaan kung ano 'yung nararamdaman mo kasi mga tao lang tayong lahat hindi tayo manghuhula."
Diin pa ng aktres, “I think, it is important that you always say exactly how you feel and what's on your mind kasi malay mo ayaw niya pala na ganun ang nararamdaman mo."
Nabanggit din ni Rhian na pinagsisisihan niyang hindi siya mas naging supportive kay Sam tungkol sa pagtakbo nito sa pulitika, lalo pa't nakita niya na maraming natutulungan ngayon ang kaniyang boyfriend.
Sa katunayan, aniya, isa lamang ito sa mga dahilan ng paghihiwalay nila noon.
“I would say [it was] one of the reasons. It was a compilation of a lot of things and it's hard to say but I think the number one thing is we really could've communicated better,” sabi ng aktres.
Nang tanungin naman ni Boy si Rhian kung nakikita niya na ba si Sam bilang kaniyang pakakasalan, ito ang kaniyang naging sagot, “If I didn't want him to be the one then what am I doing dating him? So, I hope he is Sam-one haha... baduy ano ba 'yan.”
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RHIAN RAMOS AT SAM VERZOSA SA GALLERY NA ITO: