
Ngayong Sabado, September 10, mapapanood ang pagpapatuloy ng inspiring story ng teacher, author, at Christian minister na si Pia Hugo sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Sa pangalawang bahagi ng kanyang kuwentong pinamagatang "A Mother's Triumph," masasaksihan ang naging karanasan ni Pia sa Amerika kasama ang kanyang abusive husband.
Si Rhian Ramos pa rin ang gaganap bilang Pia at lubos daw siyang humanga sa kuwento ni Pia.
"It's a very inspiring story. I knew that right away noong nabasa ko siya. Marami tayong mapupulot na lessons dito sa story na 'to. May mga parts sa kuwento na mangyayari sa '80s, '90s, pero 'yung mga issues na pinag-uusapan dito ay nangyayari pa rin hanggang ngayon," pahayag ni Rhian.
Para kay Rhian, nanatili daw makabuluhan ang ganitong klaseng mga kuwento.
"Its also very relevant especially to anyone na naapi o inaapi. It's also very relevant for women. Isa siyang kuwento about overcoming hardship and not just surviving pero becoming better pa after," aniya.
Kaya iniimbitahan ni Rhian ang mga Kapuso viewers na panoorin ang pangalawang bahagi ng kuwento ni Pia.
"Sana po mapanood n'yo ang very special Magpakailanman episode na 'to, The Pia Hugo Story. I'm so excited to present it to all of you and also to present it to Pia, to honor her with this story. Thank you so much! Sana po abangan niyo. This coming Saturday na po 'yan, only on GMA," lahad ni Rhian.
Abangan ang pangalawang bahagi ng kuwento ni Pia Hugo sa brand new episode na pinamagatang "A Mother's Triumph," September 10, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Kung na-miss niyo naman ang unang bahagi na "A Child's Trauma," panoorin ito dito: