
Puno ng aksyon at makapigil-hiningang eksena ang pinusuan ng fans sa mga nakaraang episode ng GMA superserye Encantadia Chronicles: Sang'gre!
Isa na rito ang matinding pagtutuos nina Kera Mitena (Rhian Ramos) at Pirena (Glaiza de Castro) para sa Balintataw ni Nunong Imaw.
Tumutok ang mga manonood sa kanilang labanan, tatlong brilyante at kapangyarihan ng setro laban sa brilyante ng apoy. Pinuri rin ng fans ang swordplay ng dalawang aktres at ang cinematic shots ng eksena.
Kamakailan lang, ipinasilip naman ni Rhian ang behind-the-scenes rehearsal nila ni Glaiza para sa naturang fight scene.
Sa kanyang posted video, makikita ang kanilang focus habang inaayos ang stunts at pinaplano ang bawat galaw.
"Ice lang ba yang abs mo dyan, Pirena?" biro ni Rhian sa captions.
Nagpakita ng solid na suporta ang fans sa comment section. May ilan pang nagbiro na kinilig sila dahil naalala raw nila ang dating tambalan ng dalawang aktres sa GMA drama series na The Rich Man's Daughter.
@whianwamos_ Ice lang ba yang abs mo dyan, Pirena? 🤭 Fight scene training with @xxglaizareduxx #EncantadiaChronicles #Sanggre ♬ original sound - GMA Network
Sa isang panayam kay Aubrey Carampel sa 24 Oras, ibinahagi ni Rhian ang excitement niya para sa susunod na yugto ng kuwento.
"So nandito na tayo sa climax na hinihintay nating lahat. Magkikita-kita na din silang lahat," ani Rhian. "Pero ang masasabi ko, kilala natin si Mitena. Hindi talaga siya nagpapatalo at alam niya din 'yung kapangyarihan niya."
Dagdag pa niya, marami pang dapat abangan sa karakter ni Mitena. Kabilang na rito kung paano niya haharapin ang galit ng ilang Mine-a-ve.
"Matigas talaga ang puso ni Mitena. Although hindi naman imposibleng ano 'di ba, na magka-change of heart siya. Ang masasabi ko lang, marami pa talagang mangyayari kahit nasa mundo ng Encantadia na si Terra kasi hindi naman papayag si Mitena to just hand over Encantadia after everything. Hindi siya madaling talunin," pahayag niya.
Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, balikan ang mga naging reaksyon ng fans sa pagdating ni Terra sa Encantadia, dito: