What's Hot

Rhian Ramos is the final choice to reprise Sharon Cuneta's role in "My Only Love"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 2:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

At Miss Universe PH 2026, Marina Summers tells public to vote smart in elections too
Authorities probe death of 13 dogs in San Miguel, Iloilo
BINI and Thalia interact at Billboard Women in Music 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Nang tanungin kung ano ang bagong controversy sa kanya, sinabi ni Rhian na natsitsismis siyang buntis.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Kumakanta pala ang young actress na si Rhian Ramos at narinig siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ng entertainment writer na si Allan Diones kagabi, October 14, sa Circle Café music bar sa Tomas Morato, Quezon City. Kinanta ni Rhian ang "I Say A Little Prayer" from the movie My Best Friend's Wedding. Sumablay siya sa umpisa ng kanta, pero maayos naman niyang natapos ito at naki-sing-along pa nga ang ibang entertainment press. starsPagkatapos kumanta ay nakausap ng PEP si Rhian. Nang tanungin kung ano ang bagong controversy sa kanya, sinabi ni Rhian na natsitsismis siyang buntis. Pero hindi na siya nag-elaborate kung sino raw ang nakabuntis sa kanya at kung saan ito unang nasulat. Sanay na sa kung anu-anong intriga ang young actress, kaya hindi namin siya kinakitaan ng pagkabahala. Kinumpirma rin ng young actress na gagawin niya ang My Only Love, ang TV remake ng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion movie na unang napabalitang pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Si Mark pa rin ang leading man, pero si Rhian na nga ang bidang babae. Kasama rin sa cast sina Bianca King, Alfred Vargas, Sherilyn Reyes, at Rita Avila. Tomorrow, Tuesday (October 16), sisimulan ni Direk Louie Ignacio ang taping ng My Only Love at sa October 18 ang susunod na taping schedule nila. Mid-November ang airing ng bagong handog sa Sine Novela ng GMA-7 at ipapalit ito sa Kung Mahawi Man Ang Ulap nina Dennis Trillo at Nadine Samonte. Biniro namin si Rhian na kahit may girlfriend na si Mark -- ang EB Babes member na si Lian Paz -- tiyak na mali-link pa rin sila ng young actor. "Na-link na kami dati, hindi pa man kami nagwu-work together, kaya hindi ako takot. Matagal ko na rin siyang kilala and this is the first time we will be working together at excited ako," sagot ni Rhian. Hit movie nina Sharon at Gabby ang My Only Love, ano ang feeling ni Rhian na sa kanya ibinigay ng GMA-7 ang naturang project? "I'm very excited to be doing a remake of her [Sharon] movie, she's very popular and a very good actress. Ang daming magagaling na actress sa GMA and yet, sa akin ito ibinigay. May pressure, at sana we do justice to the role. Ayokong bastusin ang movie ni Sharon," sabi ng young actress. Nagpapa-excite din kay Rhian ang role niya na aapi-apihin dahil first time niya raw itong gagawin. Hindi pa siya napapanood ng tao na inaapi at hindi sanay ang tao sa gano'ng role niya, pero gagawin daw ng young actress ang lahat para magampanan niya ito. "Actually, dream roles ko ay tomboy at inaapi. Matutupad dito sa My Only Love na inaapi ako, tomboy role na lang ang hindi ko pa nagagawa. Sa Captain Barbell, gusto ko sana ang role ni Camille Prats na tomboyish, pero hindi sa akin ibinigay," lahad ni Rhian. Inusisa rin ng PEP si Rhian tungkol sa nai-report na isa siya sa mga rason ng breakup nina Richard Gutierrez at Georgina Wilson dahil nililigawan diumano siya ng young actor. "Bakit kung kailan tapos na ang Lupin saka kami nali-link?" balik-tanong niya. "It's not true that he's [Richard] courting me and that I caused their breakup. I'm not that important and we're just friends. Kababasa ko lang kanina, kina Jewel Mische at Maxene Magalona siya nali-link." Nang ipaalaala ng PEP kay Rhian na sina Jewel at Maxene ang leading ladies ni Richard sa Kamandag at early promo ng action-fantasy series ang kanyang nabasa, medyo nag-isip si Rhian. Pero hindi pa rin nito binawi ang sinabing magkaibigan lang sila ni Richard. -- PEP (Philippine Entertainment Portal) Do you think Rhian will do well in My Only Love? What's your comment on Rhian moving to a new love team after being paired with Richard Gutierrez for two projects? Talk about it at the iGMA forums! And if you're not yet registered, you can register now! Who knows, you might even get to chat with your favorite Kapuso stars through iGMA Live Chat! Feel the Fun with Fanatxt by texting RHIAN to 4627! (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, while it costs PhP2.00 for Sun subscribers.)