What's Hot

Rhian Ramos, itinangging may eating disorder siya

By Dianara Alegre
Published September 23, 2020 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

rhian ramos denies having eating disorder


Ibinahagi ni 'I Can See You' actress Rhian Ramos ang dahilan ng kanyang pagpayat. Alamin dito:

Itinanggi ni Kapuso Sweetheart Rhian Ramos ang mga espekulasyon na may eating disorder.

Ilang netizen kasi ang nakapansin sa tila mas payat niyang pangangatawan ngayon.

Ayon kay Rhian, hindi siya nagda-diet para magpapayat at ang pagnipis ng kanyang katawan ay dahil umano ng stress.

“Of course not. In fact, kapag nakatingin ako sa salamin, alam ko, nakikita ko kung ano 'yung hitsura ko.

"It's not like I'm trying to lose weight because I feel big.

“Iniisip kasi ng tao na nag-diet ako or nag-cardio ako para pumayat nang ganito.

"Pero 'yung totoo lang talaga, it's out of stress,” lahad niya nang kapanayamin ng 24 Oras.

Rhian Ramos


Source: whianwamos (IG)

Samantala, bibida si Rhian sa pinakabagong drama anthology ng GMA Network, ang I Can See You, na binubuo ng apat na mini-series-- “Love On The Balcony,” “High Rise Lovers,” “The Promise,” at “Truly. Madly. Deadly.”

Tampok si Rhian sa huling installment, ang “Truly. Madly. Deadly.” kasama sina Kapuso hunk Dennis Trillo at Ultimate Star Jennylyn Mercado.

“Ang nakakatuwa sa kwento na 'to, sa lahat ng three characters, lahat sila mga gray characters.

"Hindi sila perfect, hindi rin sila masama. Parang mga biktima sila ng mga circumstances nila,” aniya.

Bukod dito, malapit na ring sumabak ang aktres sa halos isang buwan na lock-in taping para sa fresh episodes ng Love of My Life, kasama sina Tom Rodriguez, Carla Abellana at Connie Reyes.