What's on TV

Rhian Ramos, kabado sa kanyang title role sa 'The Rich Man's Daughter'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



"Naisip ko 'Lord, may dahilan kung bakit ito binigay sa akin." - Rhian Ramos
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
"Naisip ko 'Lord, may dahilan kung bakit ito binigay sa akin. Kaya kung anong blessing 'to galing sa Inyo, tatanggapin ko.' Sige, tiwala na lang."

Ito ang naging pahayag ni Kapuso actress Rhian Ramos sa kanyang pagsabak sa unang taping niya para sa primetime series na The Rich Man's Daughter.

READ: Rhian Ramos is now The Rich Man's Daughter 

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, may habilin daw si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa bagong gaganap na Jade. Nitong Biyernes, April 17, ay naglabas ng official statement ang Kapuso network hinggil sa pag-atras ni Marian sa title role.

"I'm really nervous but I am going to do my best, kasi sabi niya sa akin na alagaan mo ang show na 'yan. Alagaan mo sila."

Noong Biyernes ng gabi lang din daw nalaman ni Rhian na siya na ang papalit sa role ni Yan, na dalawang buwan nang nagdadalantao. Linggo ng umaga daw dumating ang kanyang script, at nitong Lunes ay nag-umpisa na ang kanyang taping.

Natutuwa din si Rhian na mga kaibigan niya ang kanyang makakasama sa soap, tulad nina Mike Tan at Glaiza de Castro, na una niyang nakaeksena.

May mensahe din ang aktres sa kanyang Ate Yan.

"So, magsa-start na ako bukas? Paano ba? I hope you're okay, be safe. Congratulations! I mean malaking blessing 'yung nakuha ni Ate Yan and I'm really, really happy for her."

Video courtesy of GMA News