
Mula sa kanyang unang pagpapakilala bilang Ivtre hanggang sa pag-angat bilang Kera, patuloy na pinag-uusapan at pinupusuan ng fans si Rhian Ramos sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Maraming viewers ang nabighani sa kagandahan at husay sa pag-arte ni Rhian bilang Kera Mitena. Tila sa bawat eksena niya sa superserye, agad siyang tumatatak sa isipan ng fans at pinupusuan ng marami.
May ilan din ginagawang memes ang kanyang iconic lines, cosplays, at parodies na kinagigiliwan online.
Sa isang exclusive interview kasama ang GMANetwork.com, labis daw nagpapasalamat si Rhian sa mga sumusuporta sa kanyang karakter.
"I feel very lucky, flattered, and I know kung gaano ka importante ang mundo ng Encantadia sa bawat Pilipino. Ang laki-laki ng fandom ng Encantadia so I'm just so grateful na tinanggap nila ako and 'yung way ko of playing this iconic role. I'm just grateful," aniya.
Isang karangalan pa rin para kay Rhian na gampanan si Mitena at makasama sa tinatangkilik na superserye.
"From the costume to her story, she's one of the very very few na nahawakan ang lahat ng Brilyante," pahayag niya. "I'm honored to be entrusted with that and thank you guys for giving Mitena so much love. Salamat sa pagme-meme I love it!"
Ngayong gabi, haharapin ng mga Mine-a-ve ang matinding pagsubok sa lagusan ng dalampasigan ng Adamya. Dahil alam na ni Mitena tungkol kay Terra (Bianca Umali), nais niya itong agad hanapin sa mundo ng mga tao.
Pero maliban dito, marami pa raw dapat abangan ng viewers sa karakter ni Mitena.
"Marami pang mangyayari. Wala pa tayo sa half. So mahaba pa ang mga journey namin and ito ang ipa-promise ko sa inyo-marami din magbabago at magkaka-growth din si Mitena," sabi niya. "Akalain n'yo 'yan, pwede pala magka-growth ang evil. Abangan n'yo ang mga mangyayari pa sa Sang'gre."
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, balikan ang nakaraang episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, dito: