
Very sweet ang naging message ni Kapuso actress Rhian Ramos para sa kanyang amang si Gareth at sa asawa nitong si Nuan para sa kanilang 10th anniversary.
Bukod dito, isang matinding sakripisyo rin ang ginawa niya para sa mga ito.
Mas pinili kasi ni Rhian na mag-attend sa kanilang 10th anniversary party kaysa dumalo sa prestihiyosong Cannes Film Festival.
Nag-premiere dito ang pelikulang The Trigonal kung saan tampok si Rhian.
Tungkol ito sa isang retired MMA fighter na kailangan lumaban dahil pinasok na ng mga sindikato ang kanyang mapayapang bayan.