
Natutuwa si Rhian Ramos sa positibong reaksyon ng manonood sa kanyang karakter na si Mitena sa Encantadia Chronicles: Sanggre.
Sa interview ng GMANetwork.com, ipinarating ni Rhian ang sayang nararamdaman na marami ang naka-"connect" at nakaintindi kay Mitena kahit na masama ito.
"I'm so happy that everyone seems to be connecting with my role in Sang'gre," sabi ng aktres.
"I was afraid also na alam kong bad guy siya pero kahit papaano feeling ko naiintindihan naman siya ng mga audiences natin," dagdag niya.
Ibinahagi rin ni Rhian kung gaano niya na-e-enjoy na nakikita ang fans na gumagaya kay Mitena tulad ng makeup transformation at paggawa ng mga ito ng costume.
"Lagi ko ring nakikita 'yung mga gumagaya kay Mitena at sobrang na-e-enjoy ko talaga iyon," sabi niya.
Si Mitena ay ang isinumpang kakambal ni Cassiopea (Solenn Heussaff). Siya ang Kera (reyna) ng Mine-a-ve na ngayon ay namumuno na sa buong Encantadia.
Abangan si Rhian Ramos bilang Mitena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: