GMA Logo Rhian Ramos
Source: whianwamos/IG
What's on TV

Rhian Ramos, may mensahe sa kaniyang younger self: 'You can't be afraid of pain'

By Kristian Eric Javier
Published April 1, 2025 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balikatan Exercise: PH, US forces train vs drones
Extreme heat kills fish in Davao City fishpond
Here's how much tickets cost for 5 Seconds of Summer's concert in Manila

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos


Alamin ang payo ni Rhian Ramos sa kaniyang sarili noong nasa darkest years siya ng kaniyang buhay.

Hindi naging madali para kay Kapuso star Rhian Ramos na harapin noon ang mga intrigang ibinabato sa kaniya. Sa katunayan, inamin ng aktres na muntik na niyang sukuan noon ang showbiz at ang buhay. Ngunit ngayon na napagtagumpayan na niya ang mga ito at may mensahe siya para sa kaniyang younger self.

Sa pagbisita ni Rhian sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 31, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang lowest point ng buhay ng aktres. Dito, ikinuwento niya kung papaanong sa loob ng dalawang taon ay pinaniniwalaan na niya ang mga intrigang ibinabato sa kaniya noon.

Ngunit kalaunan ay nakabalik din si Rhian nang happy and healed matapos ang ilang taon.

“I said, there's got to be more, there's got to be more to this life and this career and there's got to be better days ahead,” sabi ni Rhian.

Pagbabahagi ni Rhian kay Boy, hindi naging maayos ang lahat overnight at sa halip, mahabang panahon ang lumipas bago naging mabuti ang lahat.

“Sometimes it gets better, and then it comes in waves, so my dad would always tell me that. Sabi niya, 'Just take it Rhian, it's okay, it comes in waves,' so parang minsan babawi, so you feel okay again, and then something just comes back, so may good points and bad points until it just became like smaller waves,” pagbabahagi ng aktres.

Tinanong rin ng batikang host si Rhian kung ano ang maipapayo niya sa kaniyang younger self lalo na noong naranasan niya ang dark years ng kaniyang buhay.

Ang sagot ng aktres, “Na the amount of power that something has over you is only equivalent to the amount that you give it. Nasa 'yo pa rin pala 'yung power na ibibgay mo na parang kung kaya kang palungkutin nu'ng isang bagay na 'yun, kunwari someone na hindi mo kilala may sinasabi about you, tapos [Boy: You can leave it.]”

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA DUMAAN SA DEPRESSION, ANXIETY, AT IBA PANG MENTAL HEALTH ISSUES SA GALLERY NA ITO:

Ibinahagi rin ng aktres ang paniniwala niya na kung hindi naman niya kilala ang taong nagbabato ng intriga tungkol sa kaniya, hindi totoong tungkol sa kaniya ang mga sinasabi nito dahil hindi naman siya tunay na kilala ng taong iyon.

“Like I said, you can't be afraid of pain. I'm not afraid of thinking back to those times. I've healed, I've gotten over everything, and I understand why it had to happen. So I'm also not afraid of showing it and feeling the pain again,” sabi ni Rhian.

Ang sabi ni Boy na dahilan kung bakit hindi na siya umano takot maramdaman muli ang sakit, “Na-reclaim mo na kasi ang sarili mo.”

Panoorin ang panayam kay Rhian dito: