
Isang masaya at exciting na episode ang hatid ng The Boobay and Tekla Show sa darating na Linggo (September 4).
Ang special guest ng TBATS ay si sexy at talented Kapuso actress Rhian Ramos.
Mas makikilala ang aktres sa fun quiz segment na “How Well Do You Know… Rhian Ramos,” kung saan ilalahad ng former Artikulo 247 star ang ilang facts tungkol sa kanyang sarili na hindi alam ng publiko.
Makakasama naman ni Rhian sina TBATS host Boobay at Tekla sa musical segment na “The Guessing Game” at makakalaban nila ang The Mema Squad na binubuo nina Jennie Gabriel, John Vic De Guzman, Pepita Curtis, at Ian Red.
Bukod dito, muling nagbabalik ang nakakatawang prank segment na “Na-TBATS Ka!” Sino kaya ang magiging biktima? Abangan lamang 'yan ngayong Linggo!
Samantala, ikukuwento naman ni Rhian ang istorya tungkol sa isang babae na laging magdamag kung sumakay sa likod ng kanyang asawa.
Exciting 'di ba? Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (September 4) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, SILIPIN ANG STYLISH LOOKS NI RHIAN RAMOS SA GALLERY NA ITO.