
Mapapanood ngayong Biyernes (November 22) ang pagsabak ni Rhian Ramos sa isang paramotor gliding adventure.
Sa Amazing Earth, ipapakita ni Rhian ang kaniyang gagawing exciting at amazing adventure sa Tarlac. Tampok dito ang kaniyang paghahanda at experience pagkatapos niyang sumabak sa paramotor.
Ibabahagi rin ni Dingdong Dantes sa episode na ito ang iba't ibang mga kuwento mula sa Filipino version nature-documentary na “Wild Kingdoms: Desert Survivors.”
Tutukan ang Friday night habit na handog ng Amazing Earth, 9:35 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.