
Matapos ang ilang taon na hindi naniniwala si Sinagtala star Rhian Ramos sa kasal, nagbago na umano ang kaniyang pananaw. Ipinahayag ng Kapuso star ang kaniyang paniniwala at dahilan kung bakit nagbago ang kaniyang pananaw.
Sa pagbisita ni Rhian sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 31, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung saan nanggaling ang kaniyang paniniwala sa kasal. Paliwanag niya, ito ay dahil hiwalay ang kaniyang mga magulang.
“I think 'yung pinaka-basic is hiwalay ang parents ko. So parang for a long time, naiisip ko, nothing talaga lasts forever. And then, later on naman, 'yung how I made sense of that, minsan kasi may naiisip ka as a child, tapos habang while you're growing up, jina-justify mo nang jina-justify kung bakit 'yun 'yung pinaniniwalaan mo,” sabi ng aktres.
Saad pa ni Rhian, parang “too much” para hilingin sa isang tao na isang tao lang din ang makakasama niya sa buong buhay. Ngunit aniya, nagbago ang kaniyang pananaw noong makilala niya ang boyfriend niyang si Sam Versoza.
“Now, naiisip ko and the more I get to know him, talagang every day I learn something new, I experience something new, and I'm never ever bored because kakaiba e. I've never met anyone talaga like this,” sabi ng aktres.
BALIKAN ANG PAGDIWANG NINA RHIAN AT SAM NG KANILANG IKATLONG ANIBERSARYO NOONG 2024 SA GALLERY NA ITO:
Sinang-ayunan din ni Rhian ang sinabi ng batikang host na “You look forward to be with him, to meeting him, to talking to him,” at sinabing nakikita niya ang iba't-ibang bersyon ni Sam.
“Sometimes I see him as this man that is more mature than me that can teach me things, sometimes I see him as this little baby that I want to squeeze and take care of. I see him in so many different ways, it's never the same,” sabi ng aktres.
Nang tanungin ni Boy kung nabago ba ni Sam ang kaniyang pananaw tungkol sa kasal, ang sagot ni Rhian, “Yes.”
“What we have is we have a very equal partnership talaga e and he's given me so much respect and trust. And for me, I've also noticed na I've become a better, more mature person, more patient. I can see myself really taking care of this partnership and doing life with this person,” sabi ng aktres.