GMA Logo Rhian Ramos benefit concert
Photo by: whianwamos IG, Clare Cabudil
What's Hot

Rhian Ramos, naghahanda sa isang benefit concert ngayong November

By Kristine Kang
Published September 11, 2025 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landslide death toll at 32
Rabiya Mateo shares mental health diagnosis
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos benefit concert


Isang memorable performance ang handog ni Rhian Ramos kasama si Michelle Dee!

Kung sakim at takot ang ipinapakita ni Kera Mitena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, kabaliktaran naman ang misyon ni Rhian Ramos sa tunay na buhay.

Sa isang report ng 24 Oras, ibinahagi ng Kapuso star na abala siya ngayon sa paghahanda para sa isang upcoming meaningful event.

Pahinga muna siya sa martial arts training dahil pagkanta naman ang kanyang focus para sa benefit concert na That's Amore ng RMA Studio Academy.

Makabuluhan ang concert dahil ang beneficiaries nito ay ang Autism Society of the Philippines. Kaya naman todo ensayo si Rhian Ramos kasama ang kanyang vocal coach at Pinay soprano na si Jade Riccio.

"I believe in her purpose and what she is doing. I love that she's encouraging her students kahit batang-bata pa sila to really express themselves with music. I also love na she's giving confidence to kids on the spectrum as well na sila 'yung nagiging star of the show," ani Rhian.

Makakasama rin niya sa concert ang iba pang kilalang celebrities tulad nina Jose Mari Chan, Maymay Entrata, It's Showtime kid Imogen, at ang kanyang bestie at Sang'gre co-star na si Michelle Dee.

Tampok din dito ang mga estudyante ng RMA Studio Academy at Philippine Event Orchestra.

Gaganapin ang annual event sa November 9 sa Aliw Theater, Pasay City.

Samantala, patuloy pa ring napapanood si Rhian Ramos sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

RELATED CONTENT: Tingnan ang versatile career ng Infinite Star Rhian Ramos sa gallery na ito: