
Aminado si Rhian Ramos na hindi niya kayang magluto ng 300 meals sa kanyang munting kusina para sa frontliners. Kaya gumawa siya ng paraan para makapagpadala ng packed meals ngayong enhanced community quarantine.
Kuwento ni Rhian sa kanyang Instagram post, naging creative na lamang umano siya sa pagpapadala ng kanyang munting handog sa frontliners.
"These days, we have to get more creative with showing people we care."
Nagpadala si Rhian ng pagkain mula sa isang food delivery service sa frontliners ng Philippine Navy at East Avenue Medical Center, pati na rin sa GRACES Home for the Elderly.
"I wanted to send these tasty meals to our frontliners at the Philippine Navy, East Avenue Medical Center, and our Lolos, Lolas and staff of GRACES.. Stay safe, happy and healthy!"
Nagpahayag ng pag-alala si Rhian sa bawat isa sa kanyang mga pinadalhan.
Nagpasalamat rin siya sa mga taong nagpadala ng mga video para iparating ang kanilang pasasalamat sa aktres.
"Know that we, in our homes, love you all! Sana na-enjoy niyo din, at salamat sa mga print-outs at video greets."
A day in the life of Rhian Ramos and Amit Borsok in quarantine
Ilang celebrities, busy sa gawaing bahay ngayong enhanced community quarantine