GMA Logo rhian ramos
What's on TV

Rhian Ramos, nagpasalamat kahit kinaiinisan sa 'Love Of My Life;' miss na ang kanyang Tita Coney Reyes

By Jansen Ramos
Published March 22, 2021 6:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire erupts in Kuwait's Shuwaikh oil sector complex after drone attack —report
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

rhian ramos


Ibinahagi ni Rhian Ramos na mayroong pangakong ibinigay sa kanya ang batikang aktres na si Coney Reyes nang nagkasama sila sa lock-in taping ng 'Love Of My Life.' Alamin 'yan dito.

Lubos ang pasasalamat ni Rhian Ramos dahil nabigyan ng atensyon si Kelly, ang karakter niya sa hit GMA primetime series na Love Of My Life.

Hati ang opinyon ng mga manonood tungkol sa kung sino kina Kelly at Adelle (Carla Abellana) ang gusto nilang makatuluyan ni Nikolai (Mikael Daez).

Gayunpaman, marami pa rin ang natuwa sa kinalabasan ng pagtatapos ng serye kung saan ipinakita na si Kelly ang pinakasalan ni Nikolai.

Sa Kapuso Brigade Zoomustahan, bahagi ni Rhian, "Aminin natin, sa unang part na umere bago mag-quarantine, nakakainis talaga s'ya and pagdating dito ngayon, and I'm seeing the audience reactions, parang nakikita natin na binibigyan nila ng chance lahat.

"Alam mo 'yun, every character here makes mistakes pero nagagawa ng audience namin na intindihin ang bawat sila sa kanila at kung ano 'yung pinanggalingan nila."

Aminado si Rhian na "tinotopak minsan" si Kelly pero ikinatutuwa niya na ipinakita sa kwento ng Love Of My Life na kahit anong pagkakamali ng isang tao ay kaya itong tanggapin ng kanyang pamilya.

Dugtong ng Filipino-British actress, "Walang pamilyang perpekto pero, at the end of the day, ang importante ay pamilya sila.

"They are still on each other's side and they want what's best for each other after all of that, that's all what we experience, I think, during quarantine.

"Wala talagang pamilyang perpekto pero united pa rin in a way."

Panoorin ang pagtatapos ng Love Of My Life dito:

Rhian on working with Coney Reyes

Samantala, ibinahagi ni Rhian ang mga bagay na nami-miss niya sa kanyang co-star sa Love Of My Life na si Coney Reyes.

Aniya, marami raw siyang nakuhang wisdom sa batikang aktres lalo pa noong nagkasama sila nang matagal sa lock-in taping ng serye.

Sabi niya, "I love being on set with Tita Coney, she really, really is such a joy to work with.

"She's very generous, in terms of kung ano 'yung mapupulot mong wisdom from her life's experiences; and I feel that everything happens for a reason because I felt so lucky, honored, and blessed to be in one place with her kasi I was also personally working on my spirituality at that time.

"I'm trying to learn so much and she has such a wealth of lessons."

Miss na rin daw ni Rhian kapag ipinagdarasal sila ni Coney habang nasa set.

Dagdag niya, "If you have a question to ask, she'll never stop giving you as much as she possibly can to help.

"So minsan pinagpe-pray n'ya pa kami and it was really nice. Actually I miss that until now."

Bahagi pa ni Rhian, nangako si Coney na mananatili itong available kapag kailangan niya ng kausap kahit pa tapos na ang kanilang proyekto.

Saad ng 30-year-old actress, "She told me after [the lock-in taping], 'Anytime, you wanna text me, I'm not gonna promise I'm gonna reply within five minutes but I will always reply. It may be anytime of the day but just ask me anything I will always, always respond.'"

Pagtatapos ni Rhian, "She really tries to be there for everyone."

Samantala, kung curious kayo kung paano kinunan ang Love Of My Life sa panahon ng pandemya, narito ang ilang behind-the-scenes photos mula sa kanilang lock-in taping: