Article Inside Page
Showbiz News
Naniniwala si Rhian na hindi "failure" ang relationship ng pinsang si Matt Henares at Kapuso star Kylie Padilla.
By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Sa isang interview sa ginanap na
PEP List awards, nagsalita si Rhian Ramos tungkol sa biglang paghihiwalay nina Kylie Padilla at ng kanyang pinsan na si Matt Henares.
Ayon kay Rhian, "Nakuwento [na ni Matt sa akin], pero ako sa view ko lalo na kapag ganoon ka kabata just because the relationship ended feeling ko hindi naman ibig sabihin na hindi successful kasi may iba namang plano si God eh. Kasi baka kung ang plano ni Lord na may certain purpose lang talaga 'yung tao na 'yun sa buhay mo. Baka na-serve na, baka 'yun lang pala, 'di ba?"
"Baka naman successful pa rin. Puwede nating makita as successful pa rin na na-serve na siguro nila ang purpose nila sa lives ng isa't-isa," dagdag nito.
Naniniwala si Rhian na malaking challenge talaga ang distance sa kahit anong relasyon. Aniya, "I mean ako naman I wouldn't even advice Matthew to close his doors kasi posible nga naman na the distance really took its toll on their relationship."
Personally, hindi raw papasok si Rhian sa isang long distance relationship.
"Mahirap ang long distance relationship ha? Ako, hindi ako papasok sa long distance relationship on purpose. 'Yung kung alam kong aalis 'yung tao, sasabihin ko huwag na lang, ayokong ma-in love. Mahirap 'yun!"