
Matapos ang ilang taon ay muling magsasama sa isang pelikula sina Kapuso actress Rhian Ramos at JC De Vera. Dahil naging tanong sa marami noon kung nagkaroon nga ba sila ng relasyon ng aktor ay sinagot na ito ng Encantadia Chronicles: Sang'gre star.
Matatandaang unang nagkatrabaho at nagtambal sina Rhian at JC sa 2008 Philippine adaptation ng Argentinian series na LaLola. Ngayon ay muli silang magkakatrabaho sa pelikulang Huwag Mo 'Kong Iwan. Dito ay makakasama rin nila si Lilet Matias: Attorney-at-Law star Tom Rodriguez.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, November 28, binalikan ni King of Talk Boy Abunda kung ano nga ba ang naging totoong relationship status noon nina Rhian at JC. Ngunit bago nagpatuloy ay nagpasintabi siya sa boyfriend ng aktres na si Sam Verzosa ukol dito.
Ani Rhian, “Once and for all, ito. We worked together when I was 17 to 18 years old in LaLola, and then para sa akin, nu'ng time na 'yun, oo, mag-jowa kami.”
“At the time, ako, this is what boyfriend-girlfriend is. Parang 'yun 'yung concept ko. This is love, this is what boyfriend-girlfriend is. When you're at that age talaga. Parang kasi, 'yung age ko na 'yun, I would've been in high school siguro,” pagpapatuloy ni Rhian.
BALIKAN ANG PAGSABAK NINA RHIAN AT SAM SA MARATHON SA NEW YORK SA GALLERY NA ITO:
Ngunit paglilinaw ng aktres, ngayong mas matanda at mature na siya ay naisip niyang baka puppy love lang ang meron siya noon para sa dating ka-love team. Pag-amin pa ni Rhian, maski hanggang ngayon, kapag tinatanong sila ay hindi sila sigurado sa sagot.
“Kunyari magkatabi, may presscon, tapos tinatanong kami about it, parehas kaming 'Hindi ko na po kasi masyadong maalala 'yung time na 'yun e,'” sabi ng aktres.
Panoorin dito ang panayam ni Rhian: