GMA Logo Rhian Ramos
Celebrity Life

Rhian Ramos, ninerbiyos sa throwback na buhok, makeup at damit sa 'Stairway to Heaven'

By Marah Ruiz
Published May 19, 2020 4:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos


Inamin ni Rhian Ramos na ninerbyos siyang mapanood muli ang lumang buhok, makeup at damit niya sa pagbabalik-telebisyon ng 'Stairway to Heaven.'

Compliment daw para kay Kapuso actress Rhian Ramos ang pagbabalik-telebisyon ng kanyang 2009 serye na Stairway to Heaven.

Philippine adaptation ito ng sikat ng K-drama series na may parehong pamagat na ipinalabas sa Korea noong 2003.

Masaya daw si Rhian na kasama ang show sa mga napiling maging bahagi ng special enhanced community quarantine programming ng GMA Network.

"I think it's more of a compliment na binabalik siya ngayon. Kasi 'yung ibang mga soaps na binalik na nila 'di ba 'yung My Husband's Lover nina Carla (Abellana), (Tom Rodriguez) at Dennis (Trillo)? Isa din 'yun sa pinakamataas na ratings na show. Tapos 'yung Ika-6 Na Utos binalik din nila. Isa din 'yun sa mga pinaka successful na shows. Masaya ako na isa sa mga show ko, naisali doon sa category na 'yun," pahayag ni Rhian sa ilang miyembro ng media sa isang panayam via teleconferencing.

Nagtala ng 33.5% viewership rating sa Metro Manila ang unang episode nito ayons AGB Nielsen, habang 30.7% naman ang sa finale.

"Naaalala ko 'yung feeling at the time noong laging nananalo. Lagi naming nakikita na ang taas ng ratings namin noon. Ang saya-saya lang namin," ani Rhian.

Pero kung may ikakanerbiyos daw siya sa muling pagpapalabas ng serye, ito daw ang buhok, damit at makeup niya noon.

"Ninerbiyos din ako kasi 2009 na pa 'yun. Ano kaya 'yung mga makeup at hair at 'yung mga suot ko na outfits? Shookt ako ng very light na makita ko ulit 'yung mga damit, buhok at makeup noong time na 'yun," biro ni Rhian.

Mapapanood ang Stairway to Heaven, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime.