
Sa pilot episode lang ng historical drama series na Pulang Araw lumabas si Rhian Ramos, pero malaki pa rin ang pasasalamat niya na mapasama siya dito.
Kagabi, July 29, ang TV premiere ng serye kung saan lumabas si Rhian bilang si Filipina “Fina” dela Cruz. Sa X (dating Twitter), pinasalamatan ng head writer na si Suzette Doctolero ang aktres para sa kanyang pagganap.
“Salamat @whianwamos at pumayag ka sa role na Filipina/Fina sa #PulangArawEp1 napakalaking bagay!” sulat niya.
Sagot ni Rhian, “Thank you ma'am @SuziDoctolero. it was such a treat for me, honestly”
Source: whianwamos/X
Kahit sa isang episode lang siya napanood ay marami pa rin ang humanga sa kanyang galing sa pagganap sa kanyang role.
Komento ng isang netizen, “You did great in giving life to Fina's character. We could really feel all her emotions with your excellent performance and very expressive eyes! You deserve an accolade.”
Isang netizen pa ang nagsabing si Rhian ang nag-stand out sa first episode ng serye at pinuri pa ang powerful acting niya.
“Sobrang sayang na wala kana sa next episodes like we love your character and your acting tas biglang deds,” sabi ng netizen.
Isang netizen naman ang naglista ng magagandang roles na ginampanan ni Rhian, kabilang na si Fina, at sinabing hindi na sila makapaghintay sa pagganap niya bilang Mitena sa Sang'gre.
Saad naman ng isa pang netizen, “Best Actress award is waving. Congratulations. You did beyond what is more than expected.”
Source: whianwamos/X
BALIKAN ANG ILAN SA MGA INTENSE NA EKSENA NI RHIAN NA HINANGAAN DIN NOON SA 'ROYAL BLOOD' SA GALLERY NA ITO:
Ilang netizens pa ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa pag-arte ni Rhian sa first episode ng Pulang Araw. Isang netizen pa ang umamin na napanganga siya sa naging performance niya bilang si Fina.
Source: whianwamos/X
Sa ngayon ay pinaghahandaan naman niya ang gagampanang role sa Encantadia Chronicles: Sang'gre bilang si Kera Mitena, ang kapatid ni Hara Cassiopea na ginagampanan naman ni Solenn Heussaff.