
Aminado si Rhian Ramos na "stressful" at "hindi naging madali" para sa kanya ang mga nagdaang linggo matapos na madawit sa kontrobersiya kasama ang kaibigang si Michelle Dee. Pero sa kabila nito ay umaasa ang aktres na lalabas sa huli ang katotohanan.
Sa eksklusibong interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, sa unang pagkakataon ay nagbigay ng pahayag si Rhian sa gitna ng kinakaharap na mga issue.
"Well, honestly, siyempre, sino ba naman matutuwa? And, I can say, yes, it's in a way stressful pero I'm also quite confident na the truth will set us free," ani aktres.
Pagpapatuloy niya, "I just can't give so much details about everything because we might be waiting for a possible case or whatever, so can't give too many details. But, yeah, in the end the truth will set us free."
Nang tanungin kung magsasalita siya sa tamang panahon, sagot ni Rhian, "Oo naman. It's just not the right time right now. And, you know, honestly, a lot of people are asking me to defend myself. More important thing right now is not to defend myself because I don't need to."
Samantala, masayang tinanggap ni Rhian ang pagkilala mula sa katatapos lamang na 11th Platinum Stallion National Media Awards, kung saan naiuwi niya ang TV Actress of the Year para sa kanyang natatanging pagganap bilang Mitena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Ayon kay Rhian, ang natanggap na award ay patunay na mas nangingibabaw ang kanyang "passion at integrity" lalo na pagdating sa kanyang trabaho bilang aktres.
"I am so grateful to all of the students of Trinity University of Asia. Of course, all of the faculty and staff. It's so nice to be representing Encantadia Chronicles: Sang'gre today," pasasalamat ng aktres.
Subaybayan si Rhian Ramos bilang Mitena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream; at 9:45 p.m. sa GTV.
Related gallery: Rhian Ramos continues her dazzling career with GMA Network