
Tila may pa-spoiler si Rhian Ramos sa mga nagdududa sa kanyang karakter na si Mitena sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Ito ay matapos na mapasakamay ni Mitena ang Asvor (setro) ni Gargan nang kusa itong pumunta sa kanya habang sinusubukang wasakin nina Lira at Mira.
Ang tanong ng viewers, saan kaya gagamitin ni Mitena ang Asvor? Sa kabutihan o kasamaan?
Ni-repost ni Rhian sa Facebook ang post tungkol dito ng Encantadia Chronicles: Sang'gre page kung saan ipinakita ang eksena ni Mitena habang hawak-hawak ang Asvor. Caption ng page: "Hirap mong ipagtanggol Mitena!"
Sagot naman ni Rhian dito: "Ang judger naman agad!"
Ano kaya ang landas na pipiliin ni Mitena, kabutihan o kasamaan? Abangan 'yan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Related content: