
Isang heartwarming tribute ang alay ni Rhian Ramos sa kanyang naging paglalakbay sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa epic finale week ng programa, matatandaan na halo-halo ang emosyon ng Encantadiks sa naging kapalaran ng dating Kera.
Bumuhos ang damdamin ng viewers nang tuluyan nang mamaalam si Mitena sa kamay ng kanyang kaibigang si Naya o Terra, na ginagampanan ni Bianca Umali.
Sa gitna ng mga reaksyon ng fans online, mas lalo pang naging emosyonal ang lahat nang magpaalam si Rhian sa kanyang karakter.
Sa kanyang post, ibinahagi ng Kapuso star ang larawan nila ni Gargan (Tom Rodriguez), kasama ang OG Sang'gres na sina Pirena (Glaiza de Castro), Danaya (Sanya Lopez), Alena (Gabbi Garcia), at Amihan (Kylie Padilla).
"Hanggang sa muli ❄️❤️💙💚🤎" aniya sa captions.
Samantala, ibinahagi rin ni Rhian ang behind-the-scenes ng kanyang huling laban bilang Mitena.
Agad namang pinusuan ng fans ang kulitan video nina Rhian at Bianca sa set, kung saan nakuha pang umawra muna sa gitna ng digmaan.
"Awra muna bago mapaslang. 😅" sabi ng Mitena star.
Ngunit napalitan ng lungkot ang aliw ng netizens nang ibahagi rin ni Rhian ang mga larawang nagpapaalam na si Mitena kay Naya.
"[BTS] Prophecy Fulfilled. Salamat Naya, aking kaibigan."
Huwag palampasin ang natitirang dalawang gabi ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
NARITO ANG ILAN PANG HINDI DAPAT PALAMPASIN SA EPIC FINALE WEEK NG SANG'GRE: