GMA Logo Rhian Ramos
Celebrity Life

Rhian Ramos, sinubukan ang "Tagalog Only Challenge" sa kaniyang vlog

By Felix Ilaya
Published May 13, 2020 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US seizes another Venezuela-linked tanker ahead of Trump-Machado meeting
LGU offices in Lambunao, Iloilo ransacked; cash, laptops stolen
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos


Kakayanin kaya ni Rhian Ramos ang "Tagalog Only Challenge?"

Sa panibagong vlog ni Rhian Ramos, sinubukan niyang magsalita ng purong Tagalog sa loob ng limang oras.

Ayon kay Rhian, kaya niya raw sinubukan ang challenge na ito ay dahil pinupuna siya ng ilan sa kaniyang mga viewers na hindi daw siya nagsasalita ng Tagalog sa kaniyang videos kaya naman naisipan niyang gawin ang challenge na ito.

Habang nagliligpit siya sa kusina, napagtanto ni Rhian na marami pala siyang hindi alam na salita sa Tagalog gaya na lang ng chopping board, bowl, carrot, cucumber, at marami pang iba.

Inaya niya rin ang kaniyang Israeli boyfriend na si Amit Borsok na magsalita rin ng Tagalog.

Pagkatapos ng kaniyang challenge, masaya si Rhian na sinubukan niya ito dahil mas naging confident siya sa kaniyang sarili na magsalita sa wikang Tagalog.

Aniya, "Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga nagsabi na gawin ko 'to dahil natutuwa talaga ako na sinubukan ko siya kahit hindi ko ginawa ng isang buong araw dahil baka mag-away kami [ni Amit], natutuwa pa rin ako dahil sinubukan ko siya at marami din akong natutunan sa napakaikling panahon."

Sa gitna ng kaniyang pagpapaliwanag ay natapos na ang limang oras niyang pagta-Tagalog kaya naman bumalik na siya sa normal niyang paraan ng pagsasalita.

"For example, I'm happy that I can now speak in English but I'm also grateful because it's very good practice to try and get my tongue used to speaking Tagalog because I haven't done it in a while and nangangalawang ako," ani Rhian.

Panoorin ang nakakatuwang "Tagalog Only Challenge" ni Rhian sa kaniyang vlog below:

Napapanood si Rhian bilang Kelly sa Kapuso Primetime show na Love Of My Life.