Article Inside Page
Showbiz News
Gaganap si Rhian Ramos bilang isang kapatid na gagawin ang lahat para mailigtas ang kapatid na nagayuma sa upcoming brand new episode ng '#MPK.'
Isang "deglamorized" na Rhian Ramos ang mapapanood sa brand new episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Gaganap siya rito bilang Ella, isang simpleng dalaga na nabubuhay sa probinsya kasama ang kanyang nakakatandang kapatid na si German--role ni Kapuso actor Pancho Magno, at inang si Belen na gagampanan ni Maritess Joaquin.
Very close sila ng kanyang kuya German kaya naman batid kaagad ni Ella nang magbago ang ugali at kilos nito.
Nagsimula ang pagbabago ni German nang maging textmate ang isang misteryosong babae, si Jenny.
Ikagugulat ni Ella at ng kanyang inang si Belen nang itakwil sila ni German para magpakasal kay Jenny.
Dito na malalaman ni Ella na biktma ng gayuma ang kanyang kuya German!
Susubukan niya ang lahat ng maaaring paraan para makatas ito sa impluwensiya ng gayuma. Magtagumpay kaya siya?
Huwag palampasin ang brand new episode na pinamagatang "Biktima ng Gayuma," ngayong Sabado, July 31, 8:00 pm sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: