GMA Logo rhian ramos on covid19 relief
What's Hot

Rhian Ramos, tahimik na nagbigay ng donasyon habang quarantine

By Marah Ruiz
Published June 15, 2020 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

rhian ramos on covid19 relief


Pinansiyal na tulong daw ang naipaabot ni Rhian Ramos sa ilang organisasyon habang may quarantine.

Mas pinili raw ni Kapuso actress Rhian Ramos na magbigay sa COVID-19 relief efforts ng ilang organisasyon kaysa magsagawa ng sarili niyang fundraising.

Tahimik ang naging pagtulong ni Rhian at nabanggit lang niya ang tungkol dito matapos tanungin ng piling miyembro ng media, kabilang ang GMANetwork.com, sa isang teleconference interview.

"Noong simula pa lang nung quarnatine natin, 'yung dino-donate ko was financial na tulong.

"Kasi noong time na 'yun, hindi ko pa alam kung ano ba ang maitutulong natin eh nasa bahay tayo," kuwento ni Rhian.

Ilan sa mga natulungan niya ang People for Accountable Governance and Sustainable Action (PAGASA), Zero Hunger PH, Rock Ed, at isang grupo na may 3D printer at gumagawa ng face shields para i-donate sa mga ospital.

"Two out of the four that I chose are to feed people in their home and sending relief goods kasi life is hard," ani Rhian.

"Parang kaunti lang sa mga Pinoy ang may savings. Kultura natin, mahilig tayong mangutang, pagpasok ng paycheck alam na natin kung saan natin igagagastos. No one is prepared for a time like this. No one has life savings kaya 'yung majority ng pera doon ko nilagay," pagpapatuloy niya.

Kalaunan, nagsimula rin daw si Rhian na magpadala ng pagkain sa mga lugar na dati na niyang sinusuportahan.

"Noong bandang gitna, nagpadala na ko ng mga pagkain sa mga hospitals, sa home ng elderly people--doon ako nagbi-birthday kasi every year--just to make sure na okay sila. At saka doon sa Philippine Navy," aniya.

Panoorin ang buong panayam ni Rhian dito:


Samantala, nananatiling positibo si Rhian na malalamapasan ng mga Pilipino ang crisis na dulot ng pandemya.

Bukod dito, may paalala din siya tungkol sa halaga ng kabutihang loob at pagpapahaba ng pasensiya sa panahong ito.