
Growing up, isa sa mga insecurities ng aktres na si Rhian Ramos ay ang kanyang katawan. Pero ngayon, isa na ito sa mga best assets ng The One That Got Away star.
Aniya, "It's very flattering kasi growing up I had a lot of insecurities talaga. So, parang kelan ko lang din natutunan tanggapin. I'm not going to look like a supermodel, or whatever. But I can become the best version what God gave me."
Nagbigay din siya ng tips para sa mga gustong ma-achieve ang kanilang goal na magkaroon ng fit body. Ika niya, "Healthy eating, pero 'wag mo naman i-deprive 'yung sarili mo. I'm sure there are favorite foods. 'Wag lang 'yung self-hate. Wag lang 'yung parang 'I hate myself, kumain na naman ako ng ganun.' Just do what you enjoy, pero know also how your body responds."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: