GMA Logo rhian ramos
What's on TV

Rhian Ramos teases more surprise scenes in 'Royal Blood'

By Kristian Eric Javier
Published September 21, 2023 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Stephen Curry propels Warriors over Nets
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

rhian ramos


Ayon kay Rhian Ramos, marami pang "twists and turns" ang dapat abangan bago ang pagtatapos 'Royal Blood'

Marami pang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng Royal Blood. Ito ang pahayag ni Rhian Ramos, ang gumaganapa na Margaret sa serye, na napatunayang pumaslang sa ama nilang si Gustavo Royales (Tirso Cruz III).

Sa interview ng aktres kay Nelson Canlas para sa "Chika Minute" para sa 24 Oras, inamin ni Rhian na masaya siya nang malamang siya ang killer sa serye.

“Ang happy ko na ako 'yung killer kasi parang I felt like it brought my character full circle,” sabi nito.

Ipinahayag din nito kung gaano siya ka-excited na malaman ng mga manonood kung ano pa ang mangyayari sa nalalabing mga araw ng serye. Ngunit nagbigay pa ito ng babala na huwag makampante dahil lang alam na kung sino ang killer ni Gustavo.

“Ni-reveal na namin kung sino 'yung killer pero 'wag kayong masyadong makampante, 'wag kayo masyadong mag-relax kasi when it comes to the show, 'Royal Blood,' napakaraming twists and turns talaga,” ani ng aktres.

Dagdag pa nito, “Magtaka na kayo kung bakit ngayon pa lang ni-reveal na namin 'yung killer tapos Friday pa 'yung ending namin. Ibig sabihin, marami pang mangyayari.”

TINGNAN ANG MGA LITRATO SA LAST TAPING DAY NG 'ROYAL BLOOD' SA GALLERY NA ITO:

Samantala, nagpahayag naman ang ilang mga manonood ng kanilang pagkabilib sa pag-arte ni Rhian sa nakaraang episode, kung saan ibinahagi ni Margaret ang dahilan kung bakit niya pinaslang ang kanilang ama, habang nasa rooftop.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng papuri si Rhian dahil sa kanyang role sa mystery-thriller series dahil pinansin din ng mga netizens ang naging “intense” at “emotional” scenes niya sa pagkamtay ng kanyang asawa na si Efren (Migs Villasis), at sinabihan na deserve nito ang best actress award.

Abangan kung ano pa ang itinatagong sikreto ng Royales Family sa Royal Blood, weeknights, sa GMA.

Panoorin ang buong interview ni Rhian dito: